852 Scholars Nakatanggap ng Educational Assistance mula sa Kapitolyo

Pamahalaang Panlalawigan ng Batangas, Kinilala Bilang Local Autonomy Champion
November 12, 2018
MoU para sa Batangas Provincial Commodity Investment Plan 2018-2020, Pinagpulungan
November 14, 2018

November 13, 2018

852 na mga iskolar ng Pamahalaang Panlalawigan ng Batangas ang tumanggap ng educational assistance sa isinagawang distribution kaugnay ng Batangas Province Scholarship Program na ginanap sa Provincial Auditorium, Capitol Compound, Batangas City noong November 12, 2018.

Sa pangunguna ni Gng. Merlita Pasatiempo ng Provincial School Board – Scholarship Division, maayos na naipamigay ang mga scholarship grants, na may kabuuang halagang halos PhP 3 Milyon, sa mga maintainers at new applicants.

Naging aktibong kabahagi ng aktibidad si dating Presidential Spokesperson Harry Roque na nagbigay ng mensahe patungkol sa pagpapalakas ng edukasyon, kalusugan at kaayusan ng bansa sa mga darating pang henerasyon.

Ayon kay Roque, masuwerte ang mga kabataang Batangueño sa pagtataguyod ng educational program ni Gov. Mandanas. – JJB Pascua, Photo: Junjun De Chavez Jr – Batangas Capitol PIO

Like
Like Love Haha Wow Sad Angry

Comments are closed.