7th Batangan Pride March Ipinagdiwang

Job Fair para sa mga PWD, Isasagawa ng Batangas Capitol
July 5, 2022
Invitation to submit quotation – (Small Value Procurement)
July 6, 2022

July 5, 2022

Bilang pakikiisa sa pagdiriwang ng LGBTQIA+ Pride Month tuwing buwan ng Hunyo, isinagawa ng Pamahalaang Panlalawigan ng Batangas ang 7th Batangan Pride March celebration noong ika-29 ng Hunyo 2022 sa Provincial Auditorium, Capitol Compound, Lungsod ng Batangas.

Nagpaabot ng mensahe at pagbati sina 2nd District Board Member Arlina B. Magboo, na tumatayo ring Committee Chairperson on Women, Family & LGBTQIA+ ng Sangguniang Panlalawigan, at Executive Assistant Rodgi Arellano, na naging kinatawan naman ni Governor DoDo Mandanas.

Naging matagumpay ang programa na naisagawa sa pamamagitan ng Provincial Social Welfare and Development Office, sa pangunguna ni Gng. Jocelyn Montalbo, katuwang ang Provincial LGBT Alliance of Batangas (PLAB).

Naging maingay, makulay at puno ng kasiyahan ang Pride March na nilahukan ng mga LGBT delegates mula sa mga siyudad at munisipalidad ng Batangas na nakilahok sa iba’t-ibang mga aktibidad ng pagtitipon.

Kabilang sa mga naging aktibidad ang Parade Festival, kung saan pumarada ang bawat bayan suot ang kani-kanilang local festival costumes, at ilang mga kompetisyon, kagaya ng Best in Local Festival Costume, na pinanalunan ng mga delegates mula sa Bayan ng Rosario; Dalaga na si Utoy, na taga-Lemery ang nagwagi; Binata na si Ineng, kung saan taga-San Jose ang nanalo; PLAB Got Talent, na pinangunahan ng kinatawan mula Talisay; at Fantasy Hair and Make-Up Competition, na pinanalunan ng taga-Lemery.

Dumalo rin sa pagtitipon si Francis Valle Suayan o mas kilala bilang “Dyosa Pockoh” na tubong Lemery, Batangas.

Janssen Olimba/Photos–Macven Ocampo Batangas Capitol PIO

Like
Like Love Haha Wow Sad Angry

Comments are closed.