5th National Catholic Media Convention, idinaos sa Batangas

3rd Simultaneous Earthquake drill sa Batangas, Nilahukan ng mga LGUs at Pribadong Sektor
August 13, 2019
Batangas Provincial Veterinary Office, Patuloy ang Pagsulong ng Info Campaign Laban sa Banta ng African Swine Fever
August 13, 2019

August 13, 2019

Kasama ang mahigit 180 na mga social communication ministers mula sa iba’t-ibang archdiocese at diocese sa buong Pilipinas, nakiisa si Governor DoDo Mandanas sa pagbubukas ng 5th National Catholic Media Convention sa Montemaria Shrine, Lungsod ng Batangas noong ika-6 ng Agosto 2019.

Ang apat na araw na pagtitipon, na may temang “Ala Eh, Kita Dine” at pinangunahan ng Archdiocese of Lipa, ay itinampok upang isulong ang responsible at epektibong paggamit ng media, lalong lalo na ng social media.

Ang mga sumunod na aktibidad ng National Catholic Media Convention ay ginanap naman sa Bayan ng Mataas na Kahoy.

Naging pangunahing panauhin sa pagtitipon sina Gov. Mandanas, Atty Gina Reyes Mandanas, at ilang mga pangunahing opisyal ng Simbahan Katoliko sa lalawigan.

Pinangunahan nina Lipa Archbishop Gilbert Garcera; Pasig Bishop Mylo Vergara, ang outgoing Chairperson ng Catholic Bishops Conference of the Philippines – Episcopal Commission on Social Communication (CBCP – ECSC); at, Boac, Marinduque Bishop Junnie Maralit, incoming Chairperson ng CBCP ECSC, ang isang banal na misa para sa pormal na pagbubukas ng Catholic Media Convention.

Mainit na tinanggap ng gobernador ang mga delegado sa Montemaria, at nagpasalamat siya sa pagkakataong personal nilang nakita ang Mother of All Asia – Tower of Peace at iba pang mga tanawin at atraksyon na hatid ng Lalawigan ng Batangas.

Eric Arellano – Batangas Capitol PIO

Like
Like Love Haha Wow Sad Angry

Comments are closed.