5th Cycle of Closed Season Fishing, Pinagpulungan

Filing ng COC para sa 2019 Elections, Nagsimula Na
October 11, 2018
Batangas Capitol, Awardee sa 2018 digitalcitiesPH Awards
October 15, 2018

October 11, 2018

Ipatutupad ang ika-5 Cycle of Closed Season sa taong ito o ang pagpapahinga ng mga Look ng Balayan, Talin at Nasugbu na magsisimula sa November 27 at magtatagal hanggang December 18, 2018.

Kaugnay pa rin ito ng mga proyekto, sa pangunguna ng Pamahalaang Panlalawigan ng Batangas at ka-partner ang iba’t ibang sector ng lipunan, para sa tamang pangangalaga sa kalikasan at likas yaman, partikular ang baybaying dagat ng lalawigan.

Inumpisahan noong taong 2014 ang programa bilang inisyatiba sa fisheries management, kung saan pinapahusay ang coastal protection at pinapalakas ang fishery resilience.

Ito ang naging paksa ng pagpapupulong noong ika-9 ng Oktubre 2018 sa Provincial Government – Environment and Natural Resources Conference Hall sa pangunguna ng Provincial Government – Environment and Natural Resources Office (PG-ENRO) at kaibat ang Department of Environment and Natural Resources (DENR) at Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (DA-BFAR).

Dinaluhan ito ng mga City at Municipal Agriculturists; City at Municipal Environment and Natural Resources Officers; Bantay Dagat members mula sa 11 coastal city ng Batangas Province na Balayan, Bauan, Calaca, Calatagan, Lemery, Lian, Mabini, Nasugbu, San Luis, Taal at Tingloy; Philippine National Police – Batangas Police Provincial Office (PNP-BPPO), Philippine National Police Maritime Group (PNP MG), Philippine Coast Guard (PCG), Philippine Airforce(PAF), Provicial Agriculturist, Provincial Tourism Culture and Arts Office at ang Provincial Social Welfare and development Office. – Shelly Umali, Louise Mangilin, Batangas Capitol PIO

Like
Like Love Haha Wow Sad Angry

Comments are closed.