November 7, 2018
Sa isinagawang lingguhang pagpupugay sa bandila ng Pilipinas noong ika-5 ng Nobyembre 2018, iniulat ni Batangas Provincial Engineer Gilbert Gatdula ang mga pinakahuling updates, karagdagang impormasyon at mga programang naisakatuparan ng kanilang tanggapan.
Nabanggit dito ang on-going projects ng Provincial Engineering Office (PEO), tulad ng kasalukuyang isinasagawang Covered Evacuation Center sa Laurel Park sa Capitol Compound; proposed BAC Office & Warehouse para sa Bids and Awards Committee; Dalubhasaan Building sa Batangas Sports Complex; Batangas Hope Center sa Ibaan, Batangas; 11 Mandanas-type Open Classroom Buildings; at 16 na Covered Courts.
Ang mga nakumpleto nang proyekto ay tatlong Mandanas – type School Building na may dalawang palapag; pitong Mandanas-type Open Classroom Buildings; 3 Evacuation Centers; 3 Multi-purpose Halls; at 1 Water Supply System na isinagawa sa iba’t ibang bayan sa lalawigan.
Nakatalang may kasalukuyang konstruksyon ng mga kalsada sa Bihis-Taal-San Nicolas-Tatlong Maria San Luis Provincial Road at Cuenca-Alitagtag San Pascual Provincial Road.
Patuloy na pagsasagawa ng mga proyektong Barangay/Farm to Market Road sa Lipa City, Lian, Rosario, at Malvar; Box Culvert sa Rosario; tulay sa Malvar; Canal/Drainage System at Seawall Rip rapping sa Laurel; at Foot Bridge sa bayan ng Taysan.
Nakikipagtulungan din, ayon kay Engr. Gatdula, ang kanilang tanggapan sa iba’t ibang national agencies tulad ng Department of the Interior and Local Government para sa ibang road construction projects.
Samantala, ipinakita rin sa naturang report ang mga magiging karagdagang kagamitan para sa 2019, tulad ng mga hydraulic breaker, backhoe, dump truck, road grader at water drilling machine, na inaasahang makatutulong sa mas mabilis na pagsasagawa ng mga proyektong pampubliko. – Shelly Umali at Louise Mangilin, Batangas Capitol PIO