August 28, 2024
Naging kabahagi si Governor Hermilando I. Mandanas sa pagdiriwang ng ika-45 taon ng pagkakatatag ng Laurel Memorial District Hospital sa Lungsod ng Tanauan ngayong araw ng Martes, ika-27 ng Agosto 2024.
Dumalo ang gobernador sa Banal na Misa, at pinangunahan ang Blessing at Ribbon-Cutting Ceremony ng bagong pasilidad ng nasabing ospital.
Ayon kay Gov. Mandanas, madami pa ang gagawin at ginagawa pagdating sa usapang pangkalusugan, kabilang dito ang pamimigay ng multi-purpose rescue vehicle sa bawat barangay. Bukod dito, binigyang-pagpapahalaga niya ang pagbibigay prayoridad sa paglalagay ng mga doctors at nurses sa ospital dahil aniya “walang ang hawla, kung walang ibong nakalagay sa loob,” ganun din ang pagkakaroon ng sapat na medical equipment at supplies.
Isinusulong din ng Batangas Governor ang full implementation ng Universal Health Care Act na naglalayong bigyan ng dekalidad at abot kayang serbisyong pangkalusugan ang mga Pilipino na walang iniisip na gastusin.
Panawagan pa nito na kailangan ngayon ang pagkakaisa at pagtutulungan upang maisulong din ang libreng physical examinations para malaman at maagapan agad ang mga posibleng matuklasan na sakit.
Nakiisa sa naturang aktibidad sina Vice Governor Mark Leviste, 3rd District Board Member Fred Corona, AnaKalusugan PartyList Representative Ray Reyes, Talisay Mayor Nestor Natanauan, Sto. Tomas Mayor Art Jun Marasigan, Laurel Mayor Lyndon Bruce, Department of Health – CALABARZON Center for Health Development Assistant Regional Director Dr. Leda Hernandez, Chief of Staff Maria Isabel Bejasa, Provincial Health Officer Dr. Rosvilinda Ozaeta, Provincial Engineer Gilbert Gatdula, Laurel District Hospital Chief Dr. Venus De Grano, at former Tanauan Mayor Paquito Lirio,.
Kristal Mae Cabello / Junjun Hara De Chavez – Batangas Capitol PIO