435th Batangas Province Foundation Celebration, Tagumpay

World Rabies Day
September 21, 2016
Batangas Province nagdeklara ng State of Calamity
December 28, 2016

Baraka sa Batangas @ BPLC. Pinangunahan nina Batangas Governor Dodo Mandanas at Vice Gov. Nas Ona ang ribbon-cutting para pormal na buksan ang Baraka sa Batangas, ang pamilihan sa Batangas Provincial Livelihood Center (BPLC) na siyang highlight ng 435th Foundation Day ng Lalawigan ng Batangas noong ika-8 ng Disyembre 2016 sa BPLC sa Batangas Port, Santa Clara, Batangas City. Kasama sa larawan (harap, mula sa kaliwa) sina Board Member Fred Corona, Provincial Tourism chief Atty. Sylvia Marasigan, Provincial Cooperative head Celia Atienza, Senior Board Member Wheng Africa, Board Member Arlene Magboo, at Provincial Tourism Council President Sonny Lozano. Nandoon din para sumaksi ang mga capitol department heads at iba pang Sangguniang Panlalawigan members. Vince Altar / Photo: Eric Arellano - PIO Capitol

Baraka sa Batangas @ BPLC. Pinangunahan nina Batangas Governor Dodo Mandanas at Vice Gov. Nas Ona ang ribbon-cutting para pormal na buksan ang Baraka sa Batangas, ang pamilihan sa Batangas Provincial Livelihood Center (BPLC) na siyang highlight ng 435th Foundation Day ng Lalawigan ng Batangas noong ika-8 ng Disyembre 2016 sa BPLC sa Batangas Port, Santa Clara, Batangas City. Kasama sa larawan (harap, mula sa kaliwa) sina Board Member Fred Corona, Provincial Tourism chief Atty. Sylvia Marasigan, Provincial Cooperative head Celia Atienza, Senior Board Member Wheng Africa, Board Member Arlene Magboo, at Provincial Tourism Council President Sonny Lozano. Nandoon din para sumaksi ang mga capitol department heads at iba pang Sangguniang Panlalawigan members. Vince Altar / Photo: Eric Arellano - PIO Capitol

Baraka sa Batangas @ BPLC. Pinangunahan nina Batangas Governor Dodo Mandanas at Vice Gov. Nas Ona ang ribbon-cutting para pormal na buksan ang Baraka sa Batangas, ang pamilihan sa Batangas Provincial Livelihood Center (BPLC) na siyang highlight ng 435th Foundation Day ng Lalawigan ng Batangas noong ika-8 ng Disyembre 2016 sa BPLC sa Batangas Port, Santa Clara, Batangas City. Kasama sa larawan (harap, mula sa kaliwa) sina Board Member Fred Corona, Provincial Tourism chief Atty. Sylvia Marasigan, Provincial Cooperative head Celia Atienza, Senior Board Member Wheng Africa, Board Member Arlene Magboo, at Provincial Tourism Council President Sonny Lozano. Nandoon din para sumaksi ang mga capitol department heads at iba pang Sangguniang Panlalawigan members. Vince Altar / Photo: Eric Arellano – PIO Capitol

 

Magkatuwang para sa Lalawigan ng Batangas. Magkasamang ginayat nina Batangas Governor Dodo Mandanas at Vice Gov. Nas Ona ang Kapeng Barako cake, na isa sa mga tampok na aktibidad ng 435th Foundation Day ng Lalawigan ng Batangas noong ika-8 ng Disyembre 2016 sa Batangas Provincial Livelihood Center (BPLC) sa Batangas Port, Santa Clara, Batangas City. Ayon kay Governor Mandanas, ang BPLC ang “simbolo ng pagpapaunlad, pagbabago at tunay na makabuluhang pagtulong sa kapwa.” Vince Altar / Photo: Eric Arellano - PIO Capitol

Magkatuwang para sa Lalawigan ng Batangas. Magkasamang ginayat nina Batangas Governor Dodo Mandanas at Vice Gov. Nas Ona ang Kapeng Barako cake, na isa sa mga tampok na aktibidad ng 435th Foundation Day ng Lalawigan ng Batangas noong ika-8 ng Disyembre 2016 sa Batangas Provincial Livelihood Center (BPLC) sa Batangas Port, Santa Clara, Batangas City. Ayon kay Governor Mandanas, ang BPLC ang “simbolo ng pagpapaunlad, pagbabago at tunay na makabuluhang pagtulong sa kapwa.” Vince Altar / Photo: Eric Arellano – PIO Capitol

Matagumpay na idinaos ang 435th Foundation Anniversary ng Lalawigan ng Batangas nitong ika-1 hanggang ika-8 ng Disyembre 2016 sa isang selebrasyong mas payak sa mga nagdaang taon, subalit kasing tingkad sa kahulugan at kabuluhan para sa bawat Batangueño.

Ginanap ang foundation activities sa Batangas Provincial Livelihood Center (BPLC) sa Batangas Port, Santa Clara, Batangas City, na, ayon kay Batangas Governor Dodo Mandanas, siyang “simbolo ng pagpapaunlad, pagbabago at tunay na makabuluhang pagtulong sa kapwa.”

Baraka sa Batangas

Binigyang-diin sa pagdiriwang ngayong taon ang pagbibigay ng kabuhayan kaya naging tampok sa mga naging aktibidad ang pagbubukas ng Baraka sa Batangas, isang pamilihan ng iba’t ibang klaseng mga paninda ng mga Divisoria wholesalers. Ang mga nagbebenta at empleyado sa nasabing pamilihan ay pawang mga taga Batangas City.

Ang nasabing pamilihan, na pinupuntahan ng maraming mamimili, ay magtatagal sa BPLC hanggang katapusan ng January 2017. Bukas ito hanggang ika-8 ng gabi.

Ayon sa gobernador, na isang investment banker, isa lamang ito sa mga proyektong ilulunsad sa mga darating na buwan upang lalo pang mapaarangkada ang ekonomiya ng lalawigan, kabilang ang Batangas Logistics International Terminal Zone (BLITZ), isang reclamation undertaking mula sa kasalukuyang terminal ng Batangas Port hanggang sa boundary ng Shell facility, na ang libreng on-going feasibility study ay ginagawa ng mga mamumuhunan mula China na nagtayo sa Port of Shanghai at Port of Ningbo sa Zheijiang; Food Terminal sa Sta. Rita, Batangas City na magkakaroon ng grains handling, food processing, cold storage at slaughter house facilities; at ang train system para sa pagbabyahe ng mga cargoes, na pinag-aaralan ng mga Chinese at American investors, na posibleng ilagay parallel sa kahabaan ng STAR Tollway.

2016 Batangas Province Trade Fair

Isang linggo ding nagkaroon ng trade fair sa 2nd floor ng BPLC kung saan ipinagmalaki ang mga produkto ng mga bayan at kooperatiba sa lalawigan. Nagwagi sa Best Booth category ang mga bayan ng San Jose (1st Place/PhP75K), Taal (2nd Place/PhP50K), Calaca (3rd Place/PhP30K), San Luis (4thPlace/PhP25K) at Sto. Tomas (5th Place/PhP20K). Nanalo namang Best Managed Booths ang mga puwesto ng San Luis at Calaca, na kapwa nag-uwi ng PhP15K.

Sa Parol-Making Contest, napili ang mga Stars ng Pasko mula sa Taysan (1st Place/PhP50K), Lian (2nd Place/PhP30K) at Calatagan (3rd Place/PhP20K).

Tutok sa mga kababayang Batangueño

Ibinahagi din ni Gov. Mandanas, sa isang press interview, ang pagtutok ng kanyang administrasyon, bukod sa pagbibigay ng livelihood, sa kalusugan, edukasyon at pagbibigay ng konkretong assistance sa mga barangay officials at functionaries.

Ipagpapatuloy sa 2017 ang pagbibigay ng Batangas Health Cards, na maaaring magamit bilang ayuda sa Philhealth cards at tutugon sa mga kakailanganing bayaran matapos makaltas ang mga Philhealth benefit. Mula July hanggang Disyembre 2016, mahigit 7,000 mga estudyante ang nabigyan ng educational assistance at patataasin pa ang bilang ng mga benipisyaryo sa sunod na taon. Ang mga naglilingkod naman sa barangay ay mabibigyan ng pension matapos ang kanilang paglilingkod sa pamahalaan, bukod sa mga tulong sa pag-aaral at medical ng mga anak at kapamilya. Vince Altar / PIO Capitol

 

PROVINCIAL INFORMATION OFFICE
PRESS RELEASE December 12, 2016
PLS. REFER TO MR. JOJO O. PASTOR TEL/043/723-4651

Like
Like Love Haha Wow Sad Angry

Leave a Reply