425 Tons ng Bigas, Ipinagkaloob ng Pamahalaan ng Japan sa mga Naapektuhan ng Taal Volcano Eruption

Higit 57,000 Batangueño, Naapektuhan ng Bagyong Quinta
November 1, 2020
Pinsala ni Quinta sa Livestock, Poultry sa Batangas Province Umabot ng Mahigit ₱1M
November 1, 2020

November 1, 2020

TAAL NA PAGTULONG. Personal na ipinaabot ni Provincial Administrator Levi Dimaunahan ang taos-pusong pasasalamat ni Governor DoDo Mandanas sa buong pamunuan ng bansang Japan sa kanilang donasyon na 425-metriko tonelada o katumbas ng 17,000 na sako ng bigas, na tig-25-kilo, at laang tulong para sa mga naapektuhan ng pagputok ng Bulkang Taal. Ginanap ang simpleng turnover ceremony noong ika-26 ng Oktubre 2020 sa NFA Batangas Provincial Office sa Lungsod ng Batangas. ✎ Mark Jonathan M. Macaraig/Photo: Karl Ambida – Batangas Capitol PIO

Pormal na tinanggap ng Pamahalaang Panlalawigan ng Batangas, kasama ang pamunuan ng National Food Authority (NFA) at Department of Social Welfare and Development Office (DSWD), ang 425 metriko toneladang bigas na ipinagkaloob ng Ministry of Agriculture, Forestry, and Fisheries (MAFF) ng pamahalaan ng Japan noong ika-26 ng Oktubre 2020 sa NFA Batangas Provincial Office sa Lungsod ng Batangas.

Ang donasyong bigas, na hinati sa 17,000 na sako na tig-25-kilo, ay bahagi ng Tier 3 Program ng ASEAN Plus Three Emergency Rice Reserve na laan para sa mga naapektuhan ng pagsabog ng Bulkang Taal noong ika-12 ng Enero 2020.

Sa kanyang mensahe, pinasalamatan ni Provincial Administrator Levi Dimaunahan, na kumatawan kay Gov. DoDo Mandanas, ang buong pamunuan ng bansang Japan sa malasakit at napakalaking tulong na inihatid nito.

Ayon sa NFA Batangas, nasa maayos na kondisyon o pag-imbak ang saku-sakong bigas sa kanilang GID Warehouse at nakahanda na para sa withdrawal at distribution na pangungunahan naman ng DSWD katuwang ang iba’t-ibang Local Government Units.

Naging bahagi ng isinagawang ceremonial transfer sina Embassy of Japan to the Philippines Economic Minister Masahiro Nakata, Embassy of Japan to the Philippines First Secretary Tetsumaru Mori, NFA Administrator Judy Carol Dansal, NFA Regional Office IV Director Piolito Santos, DSWD Undersecretary Felicisimo Budiongan, DSWD National Response Logistics and Management Bureau Director Emmanuel Privado, at Provincial Social Welfare and Development Officer Joy Montalbo.

Mark Jonathan M. Macaraig / Photo: Karl Ambida – Batangas Capitol PIO

Like
Like Love Haha Wow Sad Angry
81

Comments are closed.