40th National Disability Prevention & Rehabilitation, Ginanap sa Batangas Capitol

Batangas Province, nanguna sa 2018 Region 4A Local Gov’t. Finance
August 6, 2018
Pagpupulong sa pagbuo ng Batangas Provincial Anti-Illegal Fishing Task Force, Idinaos
August 8, 2018

August 6, 2018

Matagumpay na idinaos ng Pamahalaang Panlalawigan ng Batangas ang culminating program ng 40th National Disability Prevention & Rehabilitation Week noong ikatlo ng Agosto 2018 sa Provincial Auditorium, Capitol Compound, Batangas City sa pangunguna ng Provincial Social Welfare and Development Office (PSWDO), Provincial Disability Affairs Office (PDAO) at Federation of Persons with Disability ng lalawigan.

Ang taunang selebrasyon ay nagbibigay ng parangal sa humigit-kumulang 15 milyong Pilipino na may mga kapansanan at higit na mahalaga, upang parangalan si Apolinario Mabini, ang Sublime Paralytic, na nagpamalas ng kabayanihan sa panahon ng Rebolusyong Pilipino sa kabila ng kanyang kapansanan. Si Mabini ay naging isang natatanging ehemplo para sa persons with disabilities (PWDs) sa pamamagitan ng kanyang mga dakilang ginawa para sa ating bansa.

Ang tema ng pagdiriwang ng NDPR Week sa taong ito ay “Kakayahan at Kasanayan para sa Kabuhayan tungo sa Kaunlaran” na nakatuon sa pakilala sa kakayahan at kontribusyon ng PWDs bilang produktibong mamamayan.

Kaalinsabay sa pagdiriwang ay ginanap din ang Flower Arrangement competition at Poster-making contest na nilahukan ng mga kahanga-hangang PWDs pati na rin ang isang Forum on Inclusive Employment na pinangunahan ng Technical Education and Skills Development Authority (TESDA)-Batangas.

Gayundin, pinangalanan at pinarangalan naman ang mga nominado para sa 2018 Apolinario Mabini Batangan Awards na sina: Paul John Redondo ng Padre Garcia bilang 3rd place, Maritess Odarbe ng San Juan bilang 2nd place at Dharwin Dimapasoc ng San Pascual bilang 1st place sa titulong “Batangueño with Disability of the Year”; “Municipality of the Year” 1st place naman ang bayan ng Cuenca habang nahirang na 2nd place ang bayan ng Sto. Tomas. Ginawaran bilang “Parent of the Year” 1st place si Marjorie Tanyag ng San Juan, 2nd place si Victoria Adelantar ng Alitagtag at 3rd place si Marites Redondo ng Padre Garcia. “SPED Teacher of the Year” 1st place naman si Blessie Falurin ng San Juan, Edna Marasigan ng Lipa City bilang 2nd place at Eden Melani Magpantay ng Cuenca bilang 3rd place.

Wagi sa Poster-making contest sina: Donita Isabel Badillo ng San Luis bilang 1st place, Jenny Pedrosa ng Taysan bilang 2nd place and Arriane Lorenzo ng Lipa City bilang 3rd place. Flower arrangement contest winners naman sina Manny P. Bagsit ng Batangas City bilang 1st place, Nestor Barza ng Rosario bilang 2nd place at Mark Torino ng Lipa City bilang 3rd place.

Lubos na ikinatuwa ng ama ng lalawigan ang katatagan at determinasyon ng PWDs sa pagpapabuti ng kanilang pamumuhay. Aniya, malapit sa kanyang puso ang mga PWD lalo na dahil ang kanyang ama ay mayroon ding kapansanan na kailanman ay hindi naging hadlang sa pagiging kapaki-pakinabang sa lipunan.

Sa paglipas ng mga taon, patuloy na nagpapatupad ang pamahalaan ng mga programa gaya ng NDPR Week upang itaas ang kamalayan sa mga kapansanan, at hikayatin ang bawat mamamayan na maging reponsable sa pagtugon sa mga isyung ito. Sa pamamagitan ng pag-unawa sa mga pangangailangan at kakayahan ng mga PWD, ang mga oportunidad para sa mga PWD ay lilikhain ng mga mamamayan at ng pamahalaan nang sa gayon ay maging mas produktibo ang mga at mas magakaroon ng tiwala sa sarili ang ating mga kababayang may kapansanan upang makilahok bilang mga aktibong mamamayan na nag-aambag hindi lamang sa pagpapabuti sa lipunan kundi pati na rin sa pag-unlad ng ekonomiya. ? Jhay Jhay Pascua ✎ Marinela Jade Maneja – Batangas Capitol PIO

Like
Like Love Haha Wow Sad Angry
2

Comments are closed.