4 na Kawani ng Pamahalaang Panlalawigan ng Batangas, Binigyang Pagkilala

Tatag at Lakas ng mga Barako, Ipinamalas sa Ironman Triathlon
June 18, 2018
Capitol Tour, Isinagawa ng PTCAO Bilang Pakikiisa sa National Tour Guide’s Day
June 18, 2018

Talino ng mga taga-Kapitolyo, kinilala. 4 na kawani ng Pamahalaang Panlalawigan ng Batangas ang binigyang parangal ng Provincial Capitol para sa pagpasa nila sa 2018 Environmental Planner Licensure Examination na ginanap nitong Hunyo ng kasalukuyang taon. Pinangunahan nina Governor Dodo Mandanas, Admin. Levi Dimaunahan, PHRMO head Dr. Ronaldo Tumambing at mga miyembro ng Sangguniang Panlalawigan ang pagbibigay pagkilala para sa mga nasabing kawani. John Derick Ilagan | Photo by: Jhay Jhay Pascua – Batangas Capitol PIO

Para sa pagpasa sa 2018 Environmental Planner Licensure Examination, binigyang pagkilala ng Pamahalaang Panlalawigan ng Batangas ang 4 na kawani nito, na 2 mula sa Provincial Planning and Development Office (PPDO) at 2 mula sa Provincial Government Environment and Natural Resourses Office (PG-ENRO), noong ika-18 ng Hunyo 2018 sa Provincial Auditorium, Capitol Compound, Batangas City.

Personal na tinanggap nina PPDO Department Head, Benjamin I. Bausas; Project Evaluation Officer II ng PPDO, Maria Divina Gracia M. Reyes; Supervising Environmental Management Specialist ng PG-ENRO, Marivic P. Esmas; at Senior Environment Management Specialist, Gina Rowena O. Medenilla ang Cetificates of Recognition para sa nasabing karangalan.

Pinangunahan ang pagpapakilala nina Governor Dodo Mandanas, Provincial Administrator Levi Dimaunahan, ilang Sangguniang Panlalawigan Board Members at Provincial Human Resource Management Office head, Dr. Ronaldo Tumambing.

Ang 2018 Environmental Planner Licensure Examination ay isinagawa noong ika-6 at 7 ng Hunyo 2018 ng Professional Regulation Commision – Board of Environmental Planning. 1,891 ang mga pumasa sa nasabing examination, mula sa 4,729 na kumuha ng eksamen. – John Derick Ilagan– Batangas Capitol PIO

Like
Like Love Haha Wow Sad Angry

Comments are closed.