3rd Quarterly Meeting ng mga Samahan ng Marine Protected Areas at Bantay Dagat sa Batangas Province, Isinagawa

Ika-18 Taunang Pangkalahatang Pagpupulong ng Koop Batangan, Idinaos sa Kapitolyo
September 1, 2022
Notice of Award – Purchase and delivery of Nutri-goods for distribution to Pre-school children as part of the integrated COVID-19 Pandemic Prevention and Response Program
September 3, 2022

September 1, 2022

Pagmumungkahi ng Deklarasyon ng Verde Island Passage sa Ilalalim ng E-NIPAS, Tinalakay

Muling nagsama-sama ang mga miyembro ng Batangas Marine Protected Area Network (BMPAN) at Bantay Dagat Network (BBDN) sa ginanap na Joint Regular 3rd Quarterly Meeting na pinangasiwaan ng Provincial Government Environment and Natural Resources (PGENRO) noong ika-30 ng Agosto 2022 sa PGENRO Conference Room, Provincial Capitol Compound, Batangas City.

Nagsimula ang pagpupulong sa pagtalakay sa proposed declaration ng Marine Protected Areas sa Verde Island Passage (VIP) sa ilalim ng E-NIPAS o mas kilala bilang “National Integrated Protected Area System”. Ang NIPAS Act ang pambansang batas para sa lahat ng protektadong lugar upang matiyak ang kanilang ekolohikal na integridad at inaasahang magpapalakas sa patuloy na pagsisikap na pangalagaan at protektahan ang mga likas na yaman ng bansa.

Masinsinang tinalakay nina Mr. Pablo de los Reyes Jr. at Ms. Alita Sangalang mula sa Coastal and Marine Division ng Department of Environment and Natural Resources – Biodiversity Management Bureau (DENR-BMB) ang mga mungkahi at signipikong detalye ng pagdedeklara ng VIP bilang isang protected area sa ilalim ng E-NIPAS.

Naging bukas naman ang mga kasaping miyembro ng MPAN at BBDN sa talakayan, palitan ng ideya at dayologo sa pagitan ng Pamahalaang Panlalawigan, sa pamamagitan ng PGENRO, mga dumalong partisipante, at DENR.

Samantala, nagkaroon din ng presentasyon ang Batangas Clean Energy, Inc. para sa kanilang proposed Batangas Combined Cycle Gas Turbine Power Plant Project sa mga Barangay ng Libjo at Malitam, Batangas City at ang proposed Marine Survey for the Submarine Cable ng DITO Telecommunity Corporations para sa Philipines Phase 2 Project sa San Juan, Batangas hanggang Santa Cruz, Marinduque.

Bukod pa rito ay nagsawa rin ng halalan ng mga bagong opisyal ng BMPAN at BBDN na kinabibilangan ng mga MPA Lead Persons, Bantay Dagat Coordinators at Bantay Dagat Chairpersons ng bawat local government unit at ahensya ng gobyerno, kabilang ang ilang tanggapan ng Pamahalaang Panlalawigan ng Batangas.

Jayne Elarmo / Photos–Macven Ocampo Batangas Capitol PIO

Please follow and like us:
fb-share-icon
Like
Like Love Haha Wow Sad Angry

Comments are closed.