3rd Quarter Meeting ng 4Ps Batangas Provincial Advisory Committee Isinagawa

Notice of Award – Purchase of 12,719 boxes of Ascorbic Acid (equivalent to 562.43mg Ascorbate)+ Zinc (Equivalent to 70 mg Zinc Gluconate) capsule 100’s intended to support/provide vitamins for the affected and victims of Taal Volcano Eruption
September 3, 2021
Mangrove Clean-up, Patuloy na Isinasagawa
September 4, 2021

September 4, 2021

Labingwalong miyembro ng Batangas Provincial Advisory Committee (PAC) ng Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4Ps) ang dumalo sa isinagawang online 3rd Quarter Meeting noong ika-24 ng Agosto 2021.

Iniulat ng mga miyembro ang kani-kanilang programa at accomplishments para sa mga benepisyaro ng 4Ps sa pagpupulong na pinangunahan ng Tanggapan ng Provincial Administrator at Provincial Social Welfare and Development Office, na kinatawan nina Ms. Rosemarie Recio at Ms. Florita Lachica, sang-ayon sa pagkakasunod.

Kabilang sa mga nag-ulat ang Department of Education – Schools Division ng Lipa City, na inilahad na may zero “drop-out” rate sila sa mga estudyante mula sa mga 4Ps pantawid; at Schools Division ng Tanauan City, na ibinalitang may mga anak ng Pantawid beneficiaries na nakapagtapos na ng pag-aaral.

Naipamahagi naman ng Pamahalaang Panlalawigan ng Batangas, sa direktiba ni Gov. DoDo Mandanas, at sa pamamagitan ng PSWDO, ang honorarium sa 2,691 na 4Ps parent leaders, na nagkakahalaga ng ₱1,600.00 bawat isa at may kabuuang halagang ₱4,305,600.00.

Mula naman sa Provincial Cooperative Livelihood and Enterprise Development Office, 28 na 4Ps beneficiaries ang nagawaran ng tulong pangkabuhayan, na may kabuuang halagang ₱117,000.00.

Sa pangunguna ng Provincial School Board, nakapagpatayo ng mga school buildings sa mga Bayan ng Calaca at Bauan.

Ayon naman sa Provincial Health Office, patuloy ang proyekto nilang pangkalusugan, kabilang ang pagbibigay ng mga Vitamin A capsules, deworming sa mga bata, paggamit ng therapeutic food sa malnourished na mga bata at iba pang nutrition activites.

Sa ulat ng Department of Social Welfare and Development Region IV-A, naitala na 126 na mga pamilya ang nagging matagumpay na nakaahon sa kahirapan at naisaayos ang kanilang pamumuhay, na ginabayan at na-monitor sa pamamagitan ng pitong taong programang “Kilos Unlad.”

Like
Like Love Haha Wow Sad Angry

Comments are closed.