3rd Quarter Culture and Arts Council Meeting, Idinaos

Batangas Provincial Veterinary Office, Patuloy ang Pagsulong ng Info Campaign Laban sa Banta ng African Swine Fever
August 13, 2019
Bokal Bart Blanco, Kinilalang Tagapagsulong ng Agrikultura sa Batangas
August 14, 2019

August 14, 2019

Isinagawa ng Provincial Tourism and Cultural Affairs Office (PTCAO) ang 3rd Quarter Meeting ng Batangas Culture and Arts Council (BCAC) noong ika-8 ng Agosto 2019 sa PTCAO Conference Room, Capitol Compound, Batangas City.

Ang nasabing pagtitipon, na dinaluhan ng BCAC Executive Committee (ExeCom) at binubuo ng sector heads at mga katuwang na ahensya ng gobyerno, ay nakatuon sa patuloy na paglinang sa kultura at sining sa Lalawigan ng Batangas.

Ilan sa mga naging paksa sa nasabing pagpupulong ay ang Finalization of Guidelines on Festival Management, kung saan napagkasunduan ang pagbibigay ng ayudang pinansyal sa mga bayan at lungsod sa lalawigan nang sa gayon ay mahikayat ang mga ito na magtanghal ng isang regular na festival na mapagkakakilanlan.

Binuo rin dito ang mga panuntunan ng BCAC Awards at BCAC Action Plan para sa taong 2019-2020. Inaprubahan din ang mga ipinapanukalang aktibidad para sa 3rd quarter na Buwan ng Wika ngayong Agosto at Chorale Festival Training.

Samantala, pormal nang nagbitaw si Mr. Virgilio Cuizon mula sa pagiging president ng BCAC, matapos magsilbi ng tatlong taon sa nasabing posisyon kaalinsabay ng pagiging head ng Visual Arts Sector, habang pinangalanan naman si Mr. Amado Ariel bilang bagong head ng theater sector.

Marinela Jade Maneja – Batangas PIO Capitol

Like
Like Love Haha Wow Sad Angry

Comments are closed.