39th National Disability Prevention & Rehabilitation Week, Isinagawa sa Bauan

Luzon RDComm at CALABARZON RDC, Kumilos para Mapigilan ang Pagkalat Bird Flu
August 18, 2017
Sangguniang Panlalawigan: “Bird Flu Free ang Lalawigan ng Batangas”
August 24, 2017

August 24, 2017

May 400 katao ang dumalo sa isinagawang pagdiriwang ng 39th National Disability Prevention Week ng Bayan ng Bauan noong August 18, 2017 sa municipal hall, sa pakikipagtulungan ng Bauan Association of Persons with Disabilities at ng Bauan Municipal Social Welfare and Development Office.

Naging tampok na gawain ang pamamahagi ng 20 wheel chairs at 120 grocery packs na ipinamigay sa tatlong pinakamahihirap na may kapansanan mula sa bawat isa sa 40 barangays ng nasabing bayan.  Ito ay isinagawa sa pangunguna ni Bauan PWD Association president, Mr. Nelson R. Adante, sa siya ring Federation President ng PWD Association of the Province of Batangas Inc., at ni MSWDO head Ms. Cynthia Togle.

Naging mga pangunahing bisita sa nasabing okasyon sina Bauan Mayor Herminigildo J. Dolor, Vice Mayor Bogie Casapao, Konsehal William Abrahan, Konsehal Ronald Cruzat, at Konsehal Hero Dolor.  Naging guest speakers naman mula sa Batangas Provincial Government sina Mr. Edwin Abelardo De Villa, ang Provincial Disability Affairs Officer o PDAO, at Mr. Dexter Medallon, na isa sa mga Computer trainer ng pamahalaang panlalawigan.

Dumalo rin sa nasabing programa ang mga kapitan ng barangay, mga opisyales ng mga samahan ng may kapansanan sa naturang bayan, mga guro sa sa SPED na sina Ms. Beth Pesigan at Ms. Ameng, kasama ang kanilang mga estudyante.
Sa gabay ng temang “Karapatan at pribilehiyo ng mga may kapansanan, isakatuparan at ipaglaban,” naging bahagi din ng programa ang mga bilang na pag-awit at pagsayaw ng mga may kapansanan.

Ang pondong ginamit sa pagkakaloob ng grocery packs at wheel chairs ay galing sa pondo ng Bauan Association of Persons With Disabililty na ipinagkaloob ng Pamahalaang Bayan ng Bauan sa tulong ng Sangguniang Bayan.

Sa mensahing binitiwan ni Mayor Dolor, isinaad niyang siya ay saludo sa mga may kapansanan na nagsusumikap upang itaas ang antas ng kanilang pamumuhay.  Ayon pa sa kanya, anuman ang pangangailangan ng sector at kaya rin lamang niyang ibigay, hindi siya tatanggi at buong puso niyang ibibigay sa ikabubuti ng mga may kapansanan sapagkat alam niya ang pangangailangan ng sector at batid niya hindi nila kailangan ang awa, kundi pang unawa.

Ayon naman kay Vice Mayor Casapao, lubos siyang humahanga sa mga may kapansanan na lubos ang pagsusumikap at inihalimbawa niya si Dexter Medallon, na nagpamalas ng galing sa pagsasalita sa kabila ng kapansanan.  Daig pa nga ni Dexter, dagdag ni vice mayor, ang ibang mga walang kapansanan dahil ito ay nagsusumikap hindi lamang para maiwasang maging pabigat sa lipunan, bagkus ay nakakatulong pa sa kabila ng kanilang kapansanan.

Ipinangako naman ni Konsehal William Abrahan na magsasagawa siya ng Livelihood Program para sa 11 nagsipagtapos sa Cell Phone Training na ipinagkaloob ng Administrasyon ni Mayor Ryanh Dolor. Aniya, plano niyang ilagay sa Citimart ang cell phone repair shop na kanyang ibibigay sa Sector ng mga may kapansanan upang maging simula at magamit ang kanilang pinag-aralan.

Nagpasalamat din si Pangulong Nelson kina Gov. Dodo Mandanas at 2nd District Cong. Deputy Speaker Raneo Abu.  Nelson Adante / Vince Altar – Batangas Capitol PIO

Like
Like Love Haha Wow Sad Angry

Comments are closed.