3 Point Shooter ng Lemery na kampeon sa FIBA 3×3 World Cup, Kinilala

Notice of Vacant Position
June 25, 2018
Kambal na Summa Cum Laude ng BSU ARASOF Nasugbu, Binigyang Parangal ng Pamahalaang Panlalawigan ng Batangas
June 25, 2018

Batangueña FIBA 3x3 World Cup Champion. Binigyang pagkilala ng Pamahalaang Panlalawigan ng Batangas, sa pangunguna ni Gov. Dodo Mandanas at Vice Gov. Nas Ona, ang basketball player na si Janine R. Pontejos, na tubong Lemery, na nakasungkit ng gintong medalya sa FIBA 3x3 World Cup 3point Shoot Out na ginanap nitong June 12, 2018 sa Bulacan. Photo: Eric Arellano – Batangas Capitol PIO

June 25, 2018

Batangueña FIBA 3×3 World Cup Champion. Binigyang pagkilala ng Pamahalaang Panlalawigan ng Batangas, sa pangunguna ni Gov. Dodo Mandanas at Vice Gov. Nas Ona, ang basketball player na si Janine R. Pontejos, na tubong Lemery, na nakasungkit ng gintong medalya sa FIBA 3×3 World Cup 3point Shoot Out na ginanap nitong June 12, 2018 sa Bulacan. Photo: Eric Arellano – Batangas Capitol PIO

Binigyang pagkilala ng Pamahalaang Panlalawigan ng Batangas, sa pangunguna ni Gov. Dodo Mandanas, si Janine R. Pontejos, na tubong Lemery, na nakasungkit ng gintong medalya sa FIBA World Cup 3×3 3point Shoot Out na ginanap nitong June 12, 2018 sa Bulacan. Ginawaran ng Certificate of Recognition ang gold medalist na si Pontejos noong ika-25 ng Hunyo 2018 sa Provincial Auditorium, Capitol Compound, Batangas City.

Nagtapos ng kolehiyo sa Centro Escolar University, si Pontejos ay kasalukuyang miyembro ng Perlas Pilipinas o Philippine Women’s National Basketball Team. Katangi-tanging ang Batangueña ang kauna-unahang Pilipino na
nanalo ng medalya sa 3×3 FIBA World Cup competitions. Sa nasabing patimpalak, tinalo ni Pontejos ang mga manlalaro ng Russia at Croatia upang tanghaling shoot out champion.

Higit itong ikinatuwa ng Ama ng lalawigan, na isang basketball fanatic, sapagkat alam ng gobernador na nagsimulang maglaro si Pontejas sa sa isang basketball court sa Mahayahay, Lemery na hindi pa covered court. – JHAY ¬JHAY B. PASCUA – PIO CAPITOL

Like
Like Love Haha Wow Sad Angry

Comments are closed.