June 26, 2024
Pinamunuan ni Batangas Governor Hermilando I. Mandanas ang isinagawang Joint Full Council Meeting ng Provincial Development Council (PDC), Provincial Peace and Order Council (PPOC) at Provincial Anti-Drug Abuse Council (PADAC) nitong ika-24 ng Hunyo 2024 sa Batangas Provincial Auditorium sa Kapitolyo.
Naging tampok sa pagpupulong ng PDC ang pagtatala ng mga proyektong popondohan ng Pamahalaang Panlalawigan ng Batangas, sa ilalim ng Annual Investment Plan at Supplemental Investment Program, upang mapalakas pang lalo ang economic and social program and services nito para sa taong 2024-2025.
Inilatag din sa konseho ang Provincial Tourism and Cultural Development Plan 2024-2029 na naglalayong mas mapalakas at mapalago ang tourism industry sa lalawigan sa pamamagitan ng mga pangunahing atraksyong hatid nito para sa mga international at local tourists, at pag-iingat at pagpapayaman ng maraming mga Batangueño cultural heritage.
Sa hanay ng Provincial Peace and Order Council, nagbigay ng mga ulat ang uniformed sector, kabilang ang Philippine National Police – Batangas at Armed Forces of the Philippines, ukol sa peace and order situation at insurgency updates sa lalawigan, ganun din ang isinagawang Barangay Development Program and POC audit na isinagawa ng Department of the Interior and Local Government para sa capability program ng mga lokal na pamahalaan.
Binigyang konsiderasyon din ng konseho ang kahilingan ng Batangas Provincial Police Office na karagdagang suporta para sa pagapapalakas ng mga kapabilidad ng mga ito, partikular sa larangan ng forensics and laboratory resources, na agaran namang sinuportahan at sinang- ayunan ni Governor Mandanas. Batangas PIO Capitol