2nd Batch ng mga Kabataang Batangueño academic awardees, binigyang parangal sa Kapitolyo

Women with Disabilities Day Celebration, ginanap sa Batangas Capitol
April 22, 2019
3rd Livestock and Poultry Haulers’ Forum, idinaos sa Kapitolyo
April 23, 2019

Talino ng Kabataang Batangueño. Binigyang pagkilala ng Pamahalaang Panlalawigan ng Batangas, sa pangunguna nina Gov. DoDo Mandanas, Provincial Administrator Levi Dimaunahan at Scholarship Division Head Merly Pasatiempo, ang mga honor students mula sa Polytechnic University of the Philippines – Sto. Tomas, Immaculate Conception College ng Balayan, Lemery Colleges, at Philippine State College of Aeronautics sa Fernando Air Base, Lipa City noong ika-22 ng Abril 2019 sa Provincial Auditorium, Capitol Site, Batangas City. Photo: Junjun De Chavez - Batangas Capitol PIO

April 22, 2019

Talino ng Kabataang Batangueño. Binigyang pagkilala ng Pamahalaang Panlalawigan ng Batangas, sa pangunguna nina Gov. DoDo Mandanas, Provincial Administrator Levi Dimaunahan at Scholarship Division Head Merly Pasatiempo, ang mga honor students mula sa Polytechnic University of the Philippines – Sto. Tomas, Immaculate Conception College ng Balayan, Lemery Colleges, at Philippine State College of Aeronautics sa Fernando Air Base, Lipa City noong ika-22 ng Abril 2019 sa Provincial Auditorium, Capitol Site, Batangas City. Photo: Junjun De Chavez – Batangas Capitol PIO

Dalawampu’t tatlong (23) mga estudyanteng Batangueño na nagtapos ng may academic honors ang muling kinilala at binigyang parangal ng Pamahalaang Panlalawigan ng Batangas, sa pangunguna ni Governor DoDo Mandanas, noong ika-22 ng Abril 2019 sa Provincial Auditorium, Capitol Site, Batangas City.

Ang nasabing paggagawad ng pagkilala ay isinasagawa ng Kapitolyo sa patuloy na pagsaludo at pagpapahalaga sa galing at talino ng kabataang Batangueño, na laging ipinagmamalaki ni Gov. Mandanas na maiituring na yaman ng lalawigan.

Apat sa mga pinarangalan ang nagtapos bilang Magna Cum Laude sa Polytechnic University of the Philippines (PUP) – Sto. Tomas, kabilang sina Raquel D. Macatangay, ng kursong Bachelor of Business Teacher in Education; at, Nica Mae M. Ariola, Mary Jane S. Mayuga at Jane Rachelle V. Ebora, ng kursong Bachelor of Science (BS) in Psychology.

Mula pa rin sa PUP – Sto. Tomas, walong (8) awardees naman ang pinarangalan bilang mga nagtapos ng Cum Laude, na kinabibilangan nina Bhavyl S. Casabuena, Joanne L. Badillo at Juliet M. Razon ng kursong Bachelor of Business Teacher in Education; Laica Alma D. Gervacio, Camille V. Camitan at Arlaine Jane R. Arcaya ng kursong BS Psychology; at, sina Leichelle L. Llanto at Jessa Mae Narvaez ng kursong BS Entrepreneurship.

Pawang mga Cum Laude at nagmula sa Immaculate Conception College sa Bayan ng Balayan, nagtapos naman sina Ma. Lorejane Ramos, Ceferina Jolongbayan at Lee Victor M. Piol ng kursong BS Secondary Education; Angelika Marie Calanog ng kursong BS Business Administration; at, Ivan Paul Austria ng kursong BS Tourism Management.

Tatlong (3) estudyante naman mula sa Lemery Colleges ang nagtapos na Cum Laude, kabilang sina Marivic M. Agojo ng kursong BS Business Administration – Financial Management, Cynthia A. Atienza ng kursong BS Secondary Education at Sunshine O. Palino ng kursong BS Customs Administration.

Nagtapos din bilang Cum Laude sina Anahid D. Biscocho at Maricel De Castro ng Agoncillo College Inc. ng kursong BS Secondary Education; at, Jhed C. Amazona ng kursong BS Aircraft Maintenance Technology mula sa Philippine State College of Aeronautics sa Fernando Air Base, Lipa City.

Ang mga nabanggit na estudyante ay kabilang sa provincial government scholars na nakakatanggap ng Educational Assistance bawat semester. Mark Jonathan M. Macaraig – Batangas Capitol PIO

Like
Like Love Haha Wow Sad Angry

Comments are closed.