2nd at 3rd Quarter Accomplishment ng PPDO, itinampok

Children’s Inter-District Competition, isinagawa sa Kapitolyo
November 11, 2019
African Swine Fever issue, masusing tinalay sa RDC IVA ExeComm Meeting
November 13, 2019

November 13, 2019

“The Provincial Planning and Development Office (PPDO) is a silent partner of every office and department that implements the programs, projects, and activities with respect to the HELP Program, under the administration of Gov. DoDo Mandanas.”

Ito ang ipinabatid ni PPDO Department Head Benjamin I. Bausas nang ibahagi niya ang accomplishments ng kanilang tanggapan para sa 2nd and 3rd Quarter ng 2019 noong ika-11 ng Nobyembre 2019 sa Provincial Auditorium, Capitol Compound, Batangas City

Tinalakay ni Ginoong Bausas, isang Certified Public Accountant at Licensed Environmental Planner, na walang direktang pakikipag-ugnayan ang PPDO sa mga mamamayan, ngunit ang pagpaplano ay kasama sa lahat ng pagpapatupad ng mga programa, proyekto at aktibidad ng pamahalaang panlalawigan.

Kabilang sa mga nagawa ng nasabing opisina mula Mayo hanggang Nobyembre 2019 ang pagbibigay ng secretariat services at pagiging katuwang sa pangangasiwa patungkol sa Seal of Good Local Governance (SGLG) at 2nd and 3rd Provincial Development Council Meetings, monitoring ng mga pagawaing pang-imprastraktura sa mga bayan ng San Jose at Sta. Teresita, at pangangasiwa sa 2019 Executive and Legislative Agenda (ELA) ng pamahalaang panlalawigan at Local Public Transport Route Plan (LPTRP) Meetings.

Sa huling bahagi ng kanyang ulat, binigyang-diin ni Ginoong Bausas ang kahalagahan ng maayos na pagpaplano, at ipinaalala na “If you fail to plan, you plan to fail.”

Bryan Mangilin | Batangas Capitol PIO
Junjun Hara De Chavez | Photo

Like
Like Love Haha Wow Sad Angry

Comments are closed.