2024 Rabies Program Updates pinagtalakayan ng Batangas Provincial Anti-Rabies Committee

Gov. DoDo nakiisa sa 1st Southern Tagalog Livestock, Poultry & Aqua Congress
July 19, 2024
Pagpapalakas ng mga programa para sa kabataan, focus ng PSWDO at DepED Lipa
July 19, 2024

July 19, 2024

Nagtipon sa Provincial Veterinary Office (ProVet) sa Bolbok, Lungsod ng Batangas ang mga kasapj ng Batangas Provincial Anti-Rabies Committee upang ipagbigay alam sa mga kasapi ng kumite ang kalagayan ng mga kaso ng Rabies in Human and Animals sa nakalipas na 7 buwan ng 2024.

Ipineresinta sa nasabing committee meeting, na ginanap ngayong araw, ika-19 ng Hulyo 2024, ang anti-rabies program ng Pamahalaang Panlalawigan ng Batangas, na isinasagawa ng Provincial Health Office at ProVet, na ginagamit sa tuloy-tuloy na pagbabakuna sa mga tao at hayop, ganun din ang monitoring and certification procedure ng mga Animal Bite Centers sa lalawigan, at rabies information campaign at animal bite management trainings para sa mga medical personnel.

Ibinahagi naman ng ProVet ang implementasyon ng OPLAN RED, kaugnay sa Rabies Prevention, Control and Eradication Program in Animals, at kinabibilangan ng mass rabies vaccination, spay and castration, rabies sample collection ng mga animal workers, at dog pound management at dog catching and humane handling sa mga pamahalaang lokal. Isinalaysay din nila ang isasagawang Rabies Awareness Month sa darating na Setyembre.

Samantala, inilahad ng Department of Agriculture (DA) Region 4-A ang rabies situation sa buong CALABARZON, sa Programang STOP R, na ibinihagi ni Dr. Princess Diana Flores, DA IV-A Region Head.

Binigyang-diin ni Dr. Flores ang 5 key strategies ang Rabies Elimination Program of the Philippines 2021-2025 na kinabibilangan ng mga hakbang sa Social & Cultural, Technical, Organizational and One Health Policy and Legislative and Resources.

Edwin V. Zabarte / Photo by Macven Ocampo – Batangas Capitol PIO

Please follow and like us:
fb-share-icon
Like
Like Love Haha Wow Sad Angry

Comments are closed.