September 16, 2024
Nanalo ang Women’s Team 4 at Men’s Team 3 sa volleyball tournament ng Governor DoDo Mandanas Friendship Cup 2024.
Ginanap ang awarding ceremony ng “inter-department sports competition” kasabay ng pagpupugay sa bandila ng Pilipinas noong ika-16 ng Setyembre 2024 sa Provincial Auditorium, Kapitolyo, Lungsod ng Batangas.
Ang kampeon na Women’s Team 4 ay mga kawani ng Provincial Engineering Office, habang pumangalawa ang Team 1, na binubuo ng mga tanggapan ng Provincial Governor, Provincial Social Welfare and Development, Provincial Agriculturist at Provincial Budget.
Samantala, ang Men’s Team 3 ay mga manlalaro mula sa Sangguniang Panlalawigan, Provincial Accounting Office, Provincial Treasurer’s Office at Provincial Health Office, na nanaig sa Team 4 na mga empleyado ng Provincial Engineering Office.
Hinirang namang Mythical 6 ng women’s division sina Wendy Manalo ng Provincial Assessor’s Office, Jennifer Apego ng Provincial Health Office, Jane Angelica Conti ng Provincial Budget Office, Analiza Bayani ng Provincial Agriculture Office, at Aireen Villabos at Cristina Aya ng Provinicial Engineering Office. Si Aya naman ang itinanghal na Most Valuable Player.
Nakabilang naman sa Mythical 6 ng men’s division aina John Mark Pangilinan ng Provincial Agriculture Office, Mon Antonio Carag III ng Provincial Information Office, Rayson Aldover ng Provincial Health Office, Justin Eric Gertes ng Sangguniang Panlalawigan, at Jeremie Dapito at John Ylon Castor ng Provinicial Engineering Office. Si Gertes ang nahirang na Most Valuable Player.
Ginawaran ng parangal ang mga manlalaro ng Kapitolyo, sa pangunguna nina Gov. DoDo Mandanas at mga Sangguniang Panlalawigan Board Members. Ang taunang palaro ay naisagawa sa pamamagitan ng Provincial Assistance For Community, Public Employment Youth & Sports Development Office (PACPEYSDO).
✎: Janssen Olimba / 📷: Junjun Hara – Batangas Capitol PIO