October 1, 2024
Pinarangalan ng Pamahalaang Panlalawigan ng Batangas, sa pangunguna ni Provincial Planning and Development Office (PPDO), ang mga bayan at lungsod sa Lalawigan ng Batangas na kinilala sa 2024 Cities and Municipalities Competitiveness Index (CMCI) Awarding Ceremony ng Department of Trade and Industry noong ika-30 ng Setyembre 2024 sa Provincial Auditorium, Capitol Compound, Batangas City.
Kabilang ang ilang mga local government units (LGU) sa nagtaas ng bandila ng Batangas nang makatanggap ng rekognisyon mula sa CMCI noong ika-23 ng Agosto 2024 sa Fiesta Pavilion ng The Manila Hotel.
Ang CMCI awarding ceremony ay isang taunang kaganapan kung saan ipinagdiriwang ang mga hakbang na ginagawa ng mga lungsod at munisipalidad sa pagpapabuti ng kanilang kakayahang makipagkumpetensya, at kinikilala ang tagumpay ng mga LGUs sa buong bansa, at binibigyang-diin ang kanilang mga pagsisikap upang pagyamanin ang economic dynamism, government efficiency, infrastructure development, resilience, and innovation.
Kinilala ang Lalawigan ng Batangas sa 2024 CMCI Cycle Awardees bilang Top 8 sa Most Competitive Provinces mula sa 82 provinces sa bansa.
Hinirang naman ang Lungsod ng Batangas bilang Top 10 sa Most Competitive LGUs for Economic Dynamism Pillar (Component Cities Category); Lungsod ng Lipa bilang Top 10 sa Most Competitive LGUs for Infrastructure Pillar (Component Cities Category); Bayan ng Rosario bilang Top 10 sa Most Competitive LGUs for Innovation Pillar (1st to 2nd Class Municipalities Category); at Bayan ng Sta. Teresita bilang Top 4 sa Most Competitive LGUs for Innovation Pillar (5th to 6th Class Municipalities Category).
Samantala, itinanghal ang Lungsod ng Sto. Tomas bilang Top 4 sa Most Improved LGUs (Component Cities Category); Bayan ng Tingloy bilang Top 6 sa Most Improved LGUs (5th to 6th Class Municipalities Category); at Bayan ng Taal bilang Top 2 sa Most Improved LGUs for Innovation Pillar (3rd to 4th Class Municipalities Category).
✎: Jayne Elarmo-Ylagan / 📷: Junjun Hara – Batangas Capitol PIO