2023 SGLG Regional Evaluation ng Batangas Provincial Gov’t. Isinagawa ng DILG

Supplemental Bid No. 2 for Project H-003
June 7, 2023
SUPPLEMENTAL/BID BULLETIN NO. 02 and NO. 03
June 9, 2023

June 8, 2023

Maayos na isinagawa ng Deparment of the Interior and Local Government (DILG) – CALABARZON ang 2023 Seal of Good Local Governance (SGLG) Regional Validation para sa Pamahalaang Panlalawigan ng Batangas noong ika-7 ng Hunyo 2023 sa Provincial Planning and Development Office Conference Room, sa Kapitolyo sa Lungsod ng Batangas.

Pinangunahan ang assessment ng mga provincial at city directors mula sa iba’t ibang mga lalawigan at bayan sa Region IVA, kasama ang mga kinatawan mula sa civil society organization na Tanggol Kalikasan at academe na Batangas State University.

Bagaman at hindi pa pormal na natatapos, naging positibo naman, sa kabuuan, ang naging pagtataya ng mga evaluators sa mga naisakatuparan ng pamahalaang panlalawigan, sang-ayon sa sampung governance areas na 1. Financial Administration and Sustainability; 2. Disaster Preparedness; 3. Social Protection and Sensitivity; 4. Health Compliance and Responsiveness; 5. Sustainable Education; 6. BusinessFriendliness and Competitiveness; 7. Safety, Peace and Order; 8. Environmental Management; 9. Tourism, Heritage Development, Culture and Arts; and 10. Youth Development.

Ang SGLG ay isang “progressive performance assessment and recognition system” na naglalayong magbigay ng pagkilala sa mga local government units upang mahikayat ang mga itong patuloy na magbigay ng maayos na serbisyo publiko. Nauna nang nagwagi ng SGLG awards nang magkasunod ang Batangas Capitol noong 2014 at 2015.

Sa mensahe ni Provincial Administrator Wilfredo Racelis, na kumatawan kay Gov. DoDo Mandanas, inihalintulad nito ang isinagawang assessment sa isang pagsusulit, kung saan dumating na ang pamahalaang panlalawigan sa oras na mag “..pens up, and pass your papers.”

Binigyang-diin naman nitong dapat ay nakatuon pa rin ang bawat tanggapan at kawani ng pamahalaang panlalawigan sa mga hangarin at mandato nito, makuha man o hindi ang SGLG award.

Pinangunahan ang 2023 SGLG Regional assessment ni DILG Batangas Provincial Director (PD) Abigail Andres. Gumanap namang evaluators sina DILG Laguna PD John Cerezo, DILG Officer V April Joy Marquez, DILG Officer V Judith Faye Torres, DILG Rizal PD Allan Benitez, DILG Lucena City Director Danilo Nobleza, DILG Cavite PD Lionel Dalope, DILG Officer VII Don Abrazaldo, Ms. Jeca Marie Pasay ng Batangas State University, at Ms. Doris Amandy ng Tanggol Kalikasan.

Sa bahagi ng pamahalaang panlalawigan, pinangunahan ng PPDO, sa pamumuno ni Engr. Evelyn Estigoy, ang pagganap bilang SGLG secretariat. Nakiisa rin sa aktibidad sina Provincial Assessor, Engr. Ed Cedo, Provincial Social Welfare and Development Officer Flor Lachica, Provincial Disaster Risk Reduction and Management Officer Amor Calayan, at mga kinatawan ng mga kabahaging tanggapan.

V. Altar / Photos: Eric Arellano – Batangas Capitol PIO

Like
Like Love Haha Wow Sad Angry

Comments are closed.