2022 CALABARZON Joint RDC and RPOC Meeting, Idinaos

Addendum and Supplemental APP of the Provincial Government of Batangas for January to February of CY 2022
March 10, 2022
Invitation to Submit Quotation – Shopping (March 15, 2022)
March 14, 2022

March 10, 2022

Pinangunahan nina Batangas Governor DoDo Mandanas at Cavite Governor Juanito Victor Remulla, Jr. ang isinagawang 2022 Joint Regional Development Council (RDC) and Regional Peace and Order Council (RPOC) – CALABARZON meeting ngayong araw, ika-10 ng Marso sa Santa Rosa, Laguna.

Si Gov. Mandanas ang tumatayong RDC Chairperson habang si Gov. Remulla naman ang sa RPOC Chairperson.

Naging bahagi ng pagpupulong ang adoption ng 2021 RDC Accomplishment Report at pag-apruba sa 2022 RDC Trust Fund Work and Financial Plan at mga iminumungkahing proyekto para mapabilang o makasama sa Regional Development Investment Plan (RDIP) 2017-2022.

Bukod dito, binigyang-daan din sa joint meeting ang presentasyon at pagtalakay ni RPOC Secretary at Department of the Interior and Local Government (DILG) Region IV-A Director Ariel Iglesia sa pagpapaganap ng Whole-of-Nation Approach Strategy para wakasan ang local communist armed conflict sa buong CALABARZON region.

Kaugnay nito, ayon kay Gov. Mandanas, sa pamamagitan aniya ng whole-of-nation na istratehiya, mas sigurado na mapapalawig ang mga programa na nakatuon para sa mga rebel returnees, na mabibigyan ng mga magandang oportunidad tungo sa pagbabagong buhay at pagiging aktibong mamamayan ng lipunan.

Nagbigay-ulat naman si Department of Health Region IV-A Director Ariel Valencia patungkol sa kasalukuyang estado ng rehiyon sa nararanasan pa ring pandemya dulot ng COVID-19 kung saan patuloy na ang nagiging pagbaba ng mga napapaulat na bagong kaso.

Sa naging mensahe ni Gov. Mandanas, binigyan niya ng halaga ang magandang ugnayan ng mga local government units (LGUs) at iba pang mga katuwang na ahensya sa pagkakaroon ng kooperasyon at maayos na komunikasyon para makapagbalangkas ng solusyon sa mga problema lalo na sa panahon ng pandemya.

Ipinunto rin ng gobernador ang pagpapalakas sa ekonomiya upang makamit ang economic progress. Matutulungan aniya ang mga nawalan ng trabaho at muling maibabalik ang sigla ng ekonomiya sa tulong ng mas maraming investments sa iba’t ibang lugar sa rehiyon.

“Habang bumababa ang kaso ng COVID-19 dapat maumpisahan na muli ang pagpapalago ng ekonomiya,” ani Governor Mandanas. Dagdag pa niya, ito ang magtutulak o magsusulong sa pagkakaroon ng kapanatagan at seguridad sa buong rehiyon.

Ang joint RDC at RPOC meeting ay may layunin na palakasin pa ang ugnayan ng mga lalawigan sa CALABARZON Region at makapagbigay-daan para talakayin ang mga ginagawang inisyatibo at programa na may kinalaman sa ekonomiya, kapayapaan at kaayusan, at social developments, na maaaring mapasama sa regional at maging sa national development activities.

Mark Jonathan M. Macaraig/Photo: Eric Arellano – Batangas Capitol PIO

Like
Like Love Haha Wow Sad Angry

Comments are closed.