Ginawaran ng parangal ng Pamahalaang Panlalawigan ng Batangas, sa pangunguna ng Provincial Human Resource Management Office (PHRMO), ang mga kawani nito na nakaabot ng mga milestones na 10 hanggang 40 taon nang bahagi ng serbisyo publiko.
Ang recognition ceremony para sa 2021 Loyalty Awardees ay isinagawa noong ika-6 ng Disyembre 2021 sa Provincial Auditorium, Capitol Compound, Batangas City.
Pinangunahan ni Governor DoDo Mandanas ang pagkilala sa mga aktibong empleyado ng Kapitolyo, at pagbibigay-pugay sa mga retiradong kawani.
Nakiisa rin sa pagtitipon sina Vice Governor Mark Leviste, mga miyembro ng Sangguninang Panlalawigan, mga department heads ng iba’t ibang tanggapan, at Anak Kalusugan Partylist nominee, Atty. Gina Reyes-Mandanas.
Tumanggap naman ang mga loyalty awardees ng mga insentibo at token para sa kanilang mahabang serbisyo sa pamahalaang panlalawigan.
Jayne Elarmo – Batangas Capitol PIO