2020-2022 Executive Legislative Agenda, binalangkas ng Batangas Capitol

Gov. DoDo, pinangunahan ang Consultation Meeting sa Lobo
September 27, 2019
Sigaw laban sa Rabies: Vaccinate to Eliminate!
September 30, 2019

September 27, 2019

“Rich Batangas: A home of God-centered, noble, self-reliant, and resilient Batanguenos that provides opportunities and empowers its people to achieve their full potentials, high aspirations and ideals.”

Bahagi ito ng nabuong Vision para sa Lalawigan ng Batangas matapos ang isang masusing talakayan at konsultasyon sa isinagawang 2020 – 2022 Executive Legislative Agenda (ELA) and Capacity Development Formulation Seminar / Workshop na isinagawa ng mga opisyal ng Pamahalaang Panlalawigan ng Batangas noong ika-24 hanggang 26 ng Setyembre 2019 sa Dusit Thani Hotel sa Lungsod ng Makati.

Ang tatlong araw na workshop ay pinangunahan nina Gov. DoDo Mandanas, sa bahagi ng ehekutibo, at Vice Governor Mark Leviste, sa panig ng lehislatibo. Kasamang nakiisa at aktibong nakibahagi sa mga aktibidad ang mga department heads at miyembro ng Sangguniang Panlalawigan ng Batangas.

Unifying document

Naging resource persons sa pagtitipon ang ilang mga kawani ng Department of the Interior and Local Government (DILG), sa pangunguna ni DILG Batangas OIC Provincial Director, Ms. Abigail Andres, at Senior Technical Staff, Ms. Jessa Mendoza.

Naging panauhin naman nang pormal na magbukas ang seminar si DILG Region IV-A Director Elias Fernandez, Jr.

Ayon kay OIC-Regional Director Fernandez, ang ELA ay isang “unifying document” sa pagitan ng executive and legislative departments, na magiging daan para sa isang “sustained partnership within the provincial government.”

Binigyang-diin naman ni Gov. Mandanas na ang pagbuo ng isang pinagkasunduang agenda ay hindi para maging mandato ng “kanyang administrasyon,” kundi ng administrasyon ng “buong pamahalaang panlalawigan,” kasama ang Sangguniang Panlalawigan at lahat ng mga departamento sa ilalim nito.

Sinang-ayunan ito ni Vice Gov. Leviste, na ibinahaging ang ELA ay sumisimbolo rin sa pagtutulungan at pagkakaisa ng buong pamahalaang panlalawigan.

Iisang Pananaw at Layunin

Kung tutuusin, ang ELA ay kumakatawan sa hangarin ng bawat Batangueño na binuo at pinag-isa ng pamahalaan. Ito, ayon kay Gov. Mandanas, ang kahalagahan ng paglikha at pagtatatag ng isang maayos na ELA, na tapat sa naisin ng mga kababayang pinaglilingkuran ng Kapitolyo ng Batangas.

Personal siyang tumayong moderator sa pagbuo ng vision at mission para sunod na tatlong taong ng kasalukuyang administrasyon, presentasyon ng programs at projects para sa mga taong 2020 hanggang 2022, at pagtalakay sa panukalang 2020 annual budget.

Para sa reaksyon naman ng SP, ibinahagi ni Vice Gov. Leviste ang commitment ng Batangas legislators ang kanilang tuloy-tuloy na pagsuporta at pakikiisa sa mga pinangungunahang gawain ng ehekutibo, na nakatuon sa economic development at public service.

Ilan sa napagkasunduang isulong ng executive at legislative officials ang mga flag ship projects, tulad ng Regional Food Terminal, convention center, at Batangas (BARTC), pagpapagawa ng isang state of the art library o learning resource center, Batangas Sports Academy, at re-apportionment ng legislative districts ng lalawigan.

Covenant of Commitment

Noong ikatlong araw, lumagda ang bawat department head at board member, sa pangunguna nina Gov. Mandanas at Vice Gov. Leviste sa isang Covenant of Commitment, na sumisimbolo sa pagsuporta ng lahat ng opisyal ng pamahalaang panlalawigan sa nabuo at napagkasunduang direksyong tatahakin, tungo sa maayos at epektibong paghahatid ng public service.

Gumanap naman saksi sa commitment signing sina Department of Education Batangas Provincial Schools Superintendent, Dr. Manuela Tolentino; DILG Batangas PD Andres; at, Philippine National Police Batangas Provincial Director PCol. Atty. Edwin Quilates.

Vince Altar – Batangas Capitol PIO

Like
Like Love Haha Wow Sad Angry

Comments are closed.