2017 Batangas Province Division Sports Competition, Sinimulan Na

Educational Assistance Mula sa Pamahalaang Panlalawigan, Tuloy-tuloy sa Batangas
November 2, 2017
“Anti-Drug Abuse Seminars sa Lalawigan para sa Pagsugpo ng Ilegal na Droga”
November 7, 2017

November 6, 2017

Hindi matawaran ang mga ngiti ng mga batang manlalarong kalahok sa kauumpisa pa lang na 2017 Division Sports Competition na may temang “One Dream, One Goal, One Division” sa Batangas Provincial Sports Complex, Brgy. Bolbok, Batangas City noong November 6, 2017. Bakas din sa kanilang muka ang excitement na magpakitang gilas sa kanilang mga laro.

Ang palarong ito ay isa sa mga taunang proyekto ng Department of Education – Batangas Province, sa pamumuno ni Schools Division Superintendent Dr. Carlito Rocafort, kung saan nagmumula ang mga manlalarong representative ng lalawigan sa Southern Tagalog CALABARZON Athlethic Association Meet na gaganapin naman sa taong 2018. Nagpamalas ng suporta ang Pamahalaang Panlalawigan ng Batangas sa pangunguna ni Batangas Governor Dodo Mandanas kasama sina Vice Gov. Nas Ona, mga miyembro ng Sangguniang Panalalawigan at ilang mga department heads ng Kapitolyo.

Nagtipon tipon ang mahigit kumulang isang libong Batangueñong atleta, kasama ang kani-kanilang coaches, teachers at magulang. Naging matagumpay ang nasabing opening ceremony at dama sa mga batang atleta ang kagalakan sa pagsisimula ng palaro.   Jhay Jhay Pascua/Photo by: Eric Arellano – PIO Capitol Batangas

Like
Like Love Haha Wow Sad Angry

Comments are closed.