1st TESDA Batangas graduation ngayong 2019, isinagawa sa Kapitolyo

Mga mag-aaral sa Taal Volcano Island, tinututukan ng Pamahalaang Panlalawigan ng Batangas
May 29, 2019
Mga Natatanging Lupong Tagapamayapa sa Lalawigan ng Batangas, kinilala ng DILG
June 3, 2019

TESDAbot Lahat. 425 graduates ang nagtapos sa ilalim ng Universal Access to Quality Tertiary Education Act (UAQTEA) at Work Scholarship Program (TWSP) ng TESDA RTC – CALABARAZON. Isinagawa ang 1st Commencement Exercises 2019 noong ika-23 ng Mayo sa Provincial Auditorium, Capitol Compound, Batangas City, kung saan si Governor DoDo Mandanas ang pangunahing tagapagsalita. ✎ Mark Jonathan M. Macaraig / Photo by: Karl Ambida – Batangas Capitol PIO

May 29, 2019

TESDAbot Lahat. 425 graduates ang nagtapos sa ilalim ng Universal Access to Quality Tertiary Education Act (UAQTEA) at Work Scholarship Program (TWSP) ng TESDA RTC – CALABARAZON. Isinagawa ang 1st Commencement Exercises 2019 noong ika-23 ng Mayo sa Provincial Auditorium, Capitol Compound, Batangas City, kung saan si Governor DoDo Mandanas ang pangunahing tagapagsalita. ✎ Mark Jonathan M. Macaraig / Photo by: Karl Ambida – Batangas Capitol PIO

Sa tulong ng Technical Education and Skills Development Authority (TESDA) Regional Training Center – CALABARZON, 425 na benepisyaryo ang nakapagtapos ng iba’t-ibang Technical-Vocational (Tech-Voc) courses, sa ilalim ng Universal Access to Quality Tertiary Education Act (UAQTEA) at Work Scholarship Program (TWSP).

Sa gabay ng temang “TESDAbot Lahat,” isinagawa ang 1st Commencement Exercises para sa taong 2019 ng mga outgoing trainees noong ika-23 ng Mayo 2019, na ginanap sa Provincial Auditorium, Capitol Compound, Batangas City.

Dumalo at naging saksi sa pagtatapos ng mga trainees sina Governor DoDo Mandanas, bilang pangunahing tagapagsalita; Gerardo A. Mercado, Center Administrator ng TESDA – RTC CALABARZON; Deputy Director General for TESDA Operation Gladys F. Rosales; at, ilang mga opisyales ng nasabing ahensya.

Ang mga pagsasanay na ipinagkaloob sa mga benipisyaryo ng programa ay ang Auto Maintenance Mechanic, Aluminum and Stainless Welding, Fitter Machining, Industrial Electricity, Plate and Pipe Welding, RAC and Appliance Servicing Mechanic, SMAW Welding, Structural Fitting, Masonry and Construction Painting, Hilot Wellness Massage NC II, English and Spanish Language Training, at Korean Language and Culture Training.

Ipinaalala ni Mr. Mercado sa mga nagsipagtapos at mga magulang ang importansya ng Tech-Voc courses sa ekonomiya ng bansa, ang kahalagahan nito para mabago ang buhay ng isang tao, at ang patuloy na pagpapataas, hindi lamang ng kalidad ng bawat pagsasanay, kung hindi pati na rin ang pagtingin ng iba sa mga kumukuha ng mga ganitong uri ng kurso o programa.

Buong pagmamalaki ring ibinahagi ni Mr. Mercado, base sa isinagawang pag-aaral ng TESDA, lumalabas sa employers satisfaction survey na 7 out of 10 na graduates ng Tech-Voc courses ang nakahahanap ng trabaho sa loob ng isang buwan hanggang isang taon. Malaki rin umanong bahagdan ng mga nagsipagtapos sa TESDA ang nakakapagtrabaho sa labas ng bansa.

Dagdag pa niya, 45% sa mga nagtapos ngayon ay employed na, at 98% naman ang certification rate o pasado na at mayroon ng national certificates sa mga kursong kanilang tinapos.

Samantala, sa naging mensahe naman ni Governor Mandanas, ipinaabot niya sa mga TESDA graduates na ito ay isang magandang simula patungo sa kanilang mas magandang kinabukasan. ✎ Mark Jonathan M. Macaraig, Batangas Capitol PIO

Like
Like Love Haha Wow Sad Angry

Comments are closed.