1st Quarter Meeting ng WWD, Isinagawa

Notice of Vacant Positions
March 6, 2018
Notice of Vacant Positions
March 7, 2018

March 7, 2018

Isang pagpupulong ang isinagawa ng Women With Disability (WWD) sa Lalawigan ng Batangas upang pagtalakayan ang magaganap na programa kaugnay ng selebrasyon ng Women’s Month ngayong buwan ng Marso at mga planong aktibidad para sa 2018 noong ika-7 ng Marso 2018 sa Provincial Social Welfare and Development Office (PSWDO) Conference room, Capitol Compound, Batangas City.

Sa pangunguna ni Hildegonda M. Del Mundo, Women With Disability President ng Batangas Province, kasama ang mga kasaping bumubuo ng pederasyon, at mga presidente at kinatawan ng bawat bayan ng Batangas, tinalakay ang magaganap na programa sa darating na ika-27 ng Marso sa Kapitolyo kung saan may libreng pap smear sa kada sampung katao ng bawat bayan, film viewing tungkol sa mga kuwentong tagumpay at orientasyon sa kung ano ang mga laws at privileges ng isang taong may kapansanan.

Ang ilan naman sa mga iminungkahing mga plano para sa 2018 ay ang pagkakaroon ng leadership seminar at livelihood trainings kagaya ng paggawa ng tsinelas, hair rebonding at massage upang makatulong sa kanilang pamumuhay. Dagdag pa dito, planong magsagawa ng medical mission, counseling, Alay Lakad at Pageant para naman sa darating na 2019.

Ayon pa kay Miss Del Mundo, hindi hadlang sa isang kababaihan ang kapansanan upang magtagumpay sa buhay.  Binigyang-diin din niyang hindi dapat mawalan ng pag-asa, bagkus ay ipaglaban ang karapatan. Ma. Cecilei De Castro-Batangas Capitol PIO

Like
Like Love Haha Wow Sad Angry

Comments are closed.