1st Governor’s Cup Softball Championship, Simula Na

Gov. Dodo, Pinanguluhan ang RDC Calabarzon 2nd Quarter Full Council Meeting
June 9, 2017
BSU-Mabini, Community Hospital Nag-groundbreaking
June 12, 2017

June 10, 2017

Pinangungahan ni Batangas Gov. Dodo Mandanas ang pagbubukas ng 1st Governor’s Cup Softball Championship noong ika-10 ng Hunyo 2017 sa Batangas Provincial Sports Complex, Brgy. Bolbok, Batangas City.

Sa pangunguna ni Provincial Assistance for Community Development (PACD) Department Head, Dr. Amante Moog, at pamamatnubay ni Youth and Sports Division Chief Arthur Caguitla, walong (8) koponan sa buong probinsya ang magpapagalingan sa larong softball. Kasama sa mga koponang sumali ay mula sa mga bayan ng Agoncillo, Tanauan City, Lemery, Calaca, Batangas City, Cuenca at dalawang (2) koponan naman ay nagmula sa Lipa City.

Nagpasalamat ang Gobernador sa mga bayang lumahok sa liga sapagkat nakikita niya ang hilig ng mga Batangueño sa larong ito. Hinamon din ni Gov. Dodo ang mga atletang kalahok sa palaro na mas galingan pa at nang magkaroon ng selection team na mailalaban sa mga malalaking liga sa labas ng probinsya. Lubos naman itong ikinatuwa ng mga manlalaro na sa wakas ay nagkaroon din sila ng liga dito sa probinsya.

Nagbigay naman ng mensahe at inspirasyon ang panauhing pandangal para sa mga atletang Batangueño si G. Eufracio dela Cruz, Vice President ng Amateur Softball Association of the Philippines (ASAPHIL). Pinalawig nito na ang mga kakayahan ng mga Batangueño sa larangan ng softball ay di babasta-basta dahil sa angking galing nila sa isport na ito. Jhay Jhay Pascua -PIO Capitol Batangas

Like
Like Love Haha Wow Sad Angry

Comments are closed.