160 Batangueño Seasonal Farm Workers, Nakatakda nang Lumipad Tungong South Korea

Invitation to Submit Quotation (Shopping)
April 18, 2022
Core Values at Sexual Harassment sa Trabaho, Tinalakay sa mga Kawani ng Batangas Capitol
April 23, 2022

April 23, 2022

Handang-handa na ang may mahigit sa 160 na Batangueño seasonal farm workers na tutungo sa ChunCheon City sa bansang South Korea ngayong buwan ng Abril, matapos isagawa ang Pre-Departure Orientation Seminar sa DREAM Zone, Capitol Site, Batangas City.

Ginanap ngayong araw, ika-19 ng Abril 2022, ang naturang aktibidad, kaugnay sa muling pagpapatuloy ng Seasonal Farm Workers Program ng Pamahalaang Panlalawigan ng Batangas, mula sa nilagdaang kasunduan, sa pamamagitan ni Governor DoDo Mandanas, at ng pamahalaan ng ChunCheon City.

Magkatuwang na pinangangasiwaan ang proyektong ito ng Office of the Provincial Agriculturist (OPAg) at Provincial Tourism and Cultural Affairs Office (PTCAO).

Ayon sa dalawang tanggapan, nagmula sa 23 na munisipalidad at 1 lungsod sa Lalawigan ng Batangas ang mga benepisyaryo o napiling lumahok sa nasabing programa, kabilang ang dalawang empleyado mula sa OPAg.

Ito ang ikalimang beses na magpapadala ang lalawigan sa bansang South Korea ng mga seasonal farm workers mula nang simulan ang inisyatibo noong taong 2018. Dahil sa pandemyang dulot ng COVID-19 virus, pansamantalang natigil ito ng dalawang taon.

Binuksan ang selection process sa pamamagitan ng pagbibigay ng impormasyon sa bawat municipal at city agriculturist sa lalawigan upang matukoy kung sino ang mga interesado o nais makabilang sa programa. Ang bawat magsasaka ay magkakaroon ng buwanang kita, bukod pa sa mga matututo ng mga makabago at epektibong mga pamamaraan sa larangan ng agrikultura na maaaring maisagawa sa kanilang mga sariling mga bukirin sa kanilang pag-uwi sa Pilipinas.

“Magandang pagkakataon ito upang maitaas ang antas ng hanapbuhay,” saad ni Governor DoDo Mandanas sa kanyang mensahe sa naturang programa . Nagkaroon din ng Oath of Undertaking na naging bahagi rin ng isinagawang seminar.

Batangas Capitol PIO

Like
Like Love Haha Wow Sad Angry
4

Comments are closed.