15% Diskuwento sa Amilyar para sa Batangas Lakeshore Towns, Ipinasa na ng Sangguniang Panlalawigan

Hakbang sa Paglaban sa 2019 Novel Corona Virus, Ikinasa na ng Pamahalaang Panlalawigan
February 6, 2020
Pagpapalakas ng Turismo, Planong Pangkabuhayan Isinusulong ng Kapitolyo Pagkatapos ng Pagputok ng Bulkang Taal
February 12, 2020

February 11, 2020

Inaprubahan ng Sangguniang Panlalawigan ng Batangas ang panukalang batas na naglalayong pababain ng labing limang porsyento (15%) ang Real Property Tax o amilyar para sa lupang sakop ng mga bayang nasa palibot ng Lawa ng Taal, na naapektuhan ng pagsabog ng Bulkang Taal.

Ang pagbibigay ng diskwento para sa nasabing buwis, na itinakda hanggang ika-29 ng Pebrero 2020, ay ipinasa sa isinagawang regular session noong ika-10 ng Pebrero 2020 sa Sotero H. Laurel Session Hall, Capitol Site, Lungsod ng Batangas.

Ang batas, na akda ni 1st District Board Member (BM) Carlo Roman “Junjun” Rosales, katuwang sina Vice Governor Mark Leviste at 1st BM Glenda Bausas, ay magbibigay ng nasabing diskuwento sa labindalawang bayan o lakeshore towns, kabilang ang Alitagtag, Balete, Cuenca, Agoncillo, Lemery, Malvar, Mataas na Kahoy, San Nicolas, Sta. Teresita, Taal, Talisay, at Laurel.

Ayon kay BM Rosales, inaasahan na makatutulong ang naipasang ordinansa sa mga kababayang lubhang naapektuhan ng biglang pagsabog ng bulkan, at ngayon ay nasa proseso pa ng muling pagbangon mula sa naging sakuna.

Binigyang-diin din ng mga Batangueñong mambabatas na, bagaman at maituturing ang pagbubuwis o taxation bilang “lifeblood” ng pamahalaan, nararapat lamang na unahing itaguyod ng mga naglilingkod sa gobyerno ang kapakanan ng mga biktima ng kalamidad.

Marinela Jade M. Maneja, Batangas PIO Capitol

Like
Like Love Haha Wow Sad Angry

Comments are closed.