140 Certificates of Lot Eligibility, Financial Assistance, Ipinamahagi sa mga Taal Volcano Evacuees

Multi-Purpose Covered Court sa Brgy. Tayuman sa Lobo, Pinasinayaan na
June 12, 2022
Gold Dedicated Service at Lingkod RDC Awards, Iginawad kay Batangas Governor Mandanas
June 12, 2022

June 12, 2022

Isinagawa ng Pamahalaang Panlalawigan ng Batangas, sa pangunguna ng Provincial Social Welfare and Development Office (PSWDO), ang pamamahagi ng isang daan at apatnapung sertipiko ng bahay at lupa sa Sea Breeze Residences, Barangay Talaibon, Bayan ng Ibaan sa mga evacuees mula sa palibot ng Bulkang Taal na napilitang iwan ang mga tirahan nang pumutok ang bulkan noong Enero 12, 2022.

Ang nasabing sertipiko mula sa National Housing Authority ay tinanggap ng mga residente sa isang awarding ceremony, kung saan siyamnapu’t siyam na pamilya rin ang nakatanggap ng ₱5,000 na cash assistance para sa house wiring mula sa pamahalaang panlalawigan.

Pinangunahan ang pagtitipon nina Provincial Administrator Wilfredo Racelis, na kinatawan ni Gov. DoDo Mandanas, PSWDO Department Head Joy Montalbo, Provincial Disaster Risk Reduction and Management Officer Joselito Castro, Office of Civil Defense Regional Director Maria Theresa Escolano, Ibaan Mayor Joy Salvame, NHA Batangas / Quezon District Officer-in-Charge Romeo Mediavillo, Jr. at iba pang mga kinatawan ng mga national at local agencies.

Ibinahagi ni Montalbo na patuloy ang tulong at suporta ng pamahalaang panlalawigan sa mga evacuees ng nakatira sa Sea Breeze Residences, kabilang ang mga livelihood projects.

Ginagabayan din ng mga PSWDO staff sa pamamagitan ng regular na mga diyalogo, at tulong sa pagbubuo ng isang home owners’ association ng mga Taal Volcano evacuees. Layunin ng pagkakaroon ng samahan at mga konsultasyon na mapadali ang mga pakikipag-ugnayan ng mga residente sa mga kinauukulan upang mabigyan ng mabilis na solusyon ang mga pangangailangan.

Sa mensahe ni Mayor Salvame, ipinaliwanag niya na ang mga residente ng Sea Breeze na mga evacuees ay magiging mga lehitimo nang residente ng Bayan ng Ibaan. Dahil dito, pagtutulungan aniya nila ni Governor Mandanas ang pagtatakda ng mga programa para sa mga ito, tulad ng livelihood projects at pagpapatayo ng paaralan sa komunidad.

Nagpasalamat naman si Provincial Administrator Racelis sa mga tulong ng mga national agencies at pamahalaang lokal. Binigyang-diin din niya na nakahanda ang pamahalaang panlalawigan na umalalay sa mga kababayang naapektuhan ng pagputok ng Bulkang Taal, at ngayon ay may bagong buhay at bahay na sa Munisipyo ng Ibaan.

Like
Like Love Haha Wow Sad Angry

Comments are closed.