1 Milyong Tilapia Fingerlings Ipinamahagi ng Pamahalaang Panlalawigan sa mga Mangingisda sa Laurel

Serbisyo Publiko, Galing at Talino ng Kabataan, Tampok sa 2017 PDP CALABARZON Roadshow
August 3, 2017
Tapatan Kasama si DA Sec. Piñol, Ginawa sa Lipa, Batangas
August 3, 2017

Tilapia Fingerlings Dispersal Project sa Laurel, Batangas. Matagumpay na naisagawa ang unang batch ng Tilapia Fingerlings Dispersal Project ng Pamahalaang Panlalawigan ng Batangas, sa pangunguna ng Office of the Provincial Agriculturist, sa ilalim ng pamumuno ni Engr. Pablito Balantac, kung saan limang (5) fisherfolk beneficiaries mula sa Brgy. San Gabriel at Brgy. Bugaan East ng bayan ng Laurel, Batangas ang nabigyan ng tig - dadalawang daang libong (200,000) fingerlings at sampung (10) sako ng tilapia fry mash na 25 kilos bawat isa noong ika-2 Agosto 2017. Jhay Jhay Pascua - PIO Capitol Batangas

August 3, 2017

Tilapia Fingerlings Dispersal Project sa Laurel, Batangas. Matagumpay na naisagawa ang unang batch ng Tilapia Fingerlings Dispersal Project ng Pamahalaang Panlalawigan ng Batangas, sa pangunguna ng Office of the Provincial Agriculturist, sa ilalim ng pamumuno ni Engr. Pablito Balantac, kung saan limang (5) fisherfolk beneficiaries mula sa Brgy. San Gabriel at Brgy. Bugaan East ng bayan ng Laurel, Batangas ang nabigyan ng tig – dadalawang daang libong (200,000) fingerlings at sampung (10) sako ng tilapia fry mash na 25 kilos bawat isa noong ika-2 Agosto 2017. Jhay Jhay Pascua – PIO Capitol Batangas

Ipinamahagi ng mga kinatawan ng Office of the Provincial Agriculturist (OPA) sa limang fisherfolk beneficiaries mula sa Brgy. San Gabriel at Brgy. Bugaan East ng bayan ng Laurel ang 1 milyong Tilapia fry o fingerlings na bahagi ng Tilapia Fingerlings Dispersal Project ng Pamahalaang Panlalawigan ng Batangas kahapon, ika-2 ng Agosto 2017.

Ito ang unang batch sa proyekto ng Tanggapan ng Panlalawigang Agrikultura, sa pangunguna ni Engr. Pablito Balantac, kung saan palalakihin muna sa fishponds ang mga fingerlings sa loob ng 2 buwan. Kapag umabot na sa sukat na 14-17 cm, ibebenta ang mga ito sa mga fish cage operators sa Lawa ng Taal.

Binigyan ang bawat isang recipient ng 200 libong fingerlings at 10 sako ng fry mash fish food na 25 kilos bawat isa.

Tinatayang aabot sa PhP 35,000 hanggang PhP 40,000 ang gross sale value o halaga kapag naibenta na ng bawat recipient ang mga napalaking mga fingerlings. Pagkatapos nito, ibabalik ng mga benipisyaryo ang halagang PhP 5,650 sa OPA , sang-ayon sa Memorandum of Agreement na nilagdaan ng mga recipients, Municipal Agriculturist at OPA.

Hangad ni Batangas Gov. Dodo Mandanas na matuto at mapalago ang kasanayan at kakayahang maghanap-buhay ng mga mangingisda at magsasaka sa Lalawigan ng Batangas. Kung kaya’t pinasimulan niya ang mga proyektong kagaya nito na magtuturo sa wastong paghawak at pagpapaikot ng capital o badyet.

Sa pamamagitan ng pagbabalik ng orihinal na halaga ng mga fingerlings, mas maraming mangingisdang Batangueño ang makikinabang at matutulungan ng pamahalaang panlalawigan dahil magiging tuloy tuloy ang fingerlings dispersal.

Napili ang mga benipisyaryo sa pamamagitan ng validation ng OPA at tanggapan ng Municipal Agriculturist ng Laurel upang makilala ang mga karapatdapat na mga recipients ng nasabing proyekto.

Kabilang sa mga sumaksi sa pagdadala at pagsasalin ng mga isda sa fishponds sina OPA Field Operations Division head Luz Labit; OPA Planning Division chief Piedad Quizon; OPA Provincial Fisheries Coordinator Maribel Carolino; at Laurel Municipal Agriculturist Antonina Gardiola. JJ Pascua & JM Pangilinan – Batangas Capitol PIO

Like
Like Love Haha Wow Sad Angry

Comments are closed.