1 Billion Rising Revolution, Isinagawa ng COMELEC

2 Batangueña, Kinilala sa Larangan ng Girls Scouting
February 13, 2018
PWD Presidents ng Lalawigan ng Batangas, Dadalo sa Isang Annual Summit
February 14, 2018

1Billion Rising. Kasama ang Comission on Election (COMELEC) Batangas sa pagsasayaw kaisa sa 1 Billion Rising Revolution, na naglalayong mapalakas ang gender equality. Ginanap ito sa Provincial Marble Terrace, Capitol Compound, Batangas City noong ika-14 ng Pebrero 2018. Ma.Cecilei C. De Castro / Photo: Allen Racho – Batangas Capitol PIO

February 14, 2018

1Billion Rising. Kasama ang Comission on Election (COMELEC) Batangas sa pagsasayaw kaisa sa 1 Billion Rising Revolution, na naglalayong mapalakas ang gender equality. Ginanap ito sa Provincial Marble Terrace, Capitol Compound, Batangas City noong ika-14 ng Pebrero 2018. Ma.Cecilei C. De Castro / Photo: Allen Racho – Batangas Capitol PIO

Bilang suporta sa pagpapalakas sa kakayahan ng mga kababaihan, sa kauna unahang pagkakataon ay nakiisa ang Comission on Election (COMELEC) sa 1 Billion Rising, na may temang Solidarity, Rise, Resist, Unite, kaugnay ng Gender and Development(GAD) na ginanap sa Provincial Marble Terrace, Capitol Compound, Batangas City noong ika-14 ng Pebrero 2018.

Ang nasabing aktibidad ay isang pagsasayaw na tinatawag na Break the Chain kung saan dinaluhan ng pinagsama samang lakas ng mga kasapi ng COMELEC, sa pangunguna ng mga election officers mula sa buong Lalawigan ng Batangas.

Layon ng 1Billion Rising na wakasan ang nararanasang karahasan ng mga kababaihan sa kasalukuyang panahon. Ang pagkilos na ito ay nagsimula  pa noong 2012 mula sa bansang America na itinatag ni Eve Ensler, isang playwright at activist, at ngayon ay umabot na rin sa Pilipinas.

Ayon kay Atty. Gloria Ramos- Petallo, Batangas Provincial Election Supervisor, isa itong panawagan sa mga kababaihang nakakaranas ng pang-aabuso tungkol sa kanilang mga karapatang pang tao at upang itaas ang antas ng kamalayan ng mga ito sa pamamagitan ng pagtutulungan o pagkakaisa para sa pantay pantay na pagtingin sa estado ng lipunan.

Ang aktibidad ginanap sa harap ng Kapitolyo ng Pamahalaang Panlalawigan ng Batangas, na nagpakita sa suporta ng pamahalaang lokal, sa pangunguna ni Gov. Dodo Mandanas.   Ma.Cecilei C. De Castro – Batangas Capitol PIO

Like
Like Love Haha Wow Sad Angry

Comments are closed.