₱2M-worth na ayuda para sa Batangueño Private School Teachers, inihahanda na ng Kapitolyo

Notice of Award – Purchase of 26,655 sacks Sinandomeng Rice, 25 kilos each, as rice subsidy to different individuals and sectoral groups affected by COVID-19
May 29, 2020
Invitation to Bid (June 24, 2020)
June 3, 2020

June 1, 2020

Iniatas ni Gov. DoDo Mandanas ang maagang pagpapalabas ng pondong nakalaan sa educational assistance ng mga iskolar ng Pamahalaang Panlalawigan ng Batangas na nag-aaral sa mga pribadong eskwelahan. Ito ay upang magamit agad ang nasabing pondo ng mga private schools sa pagpapasuweldo, hindi man buo, ng mga guro sa nasabing mga paaralan sa Lalawigan ng Batangas.

Ito ang naging tugon ni Gov. Mandanas sa Private Schools Association of Batangas (PRISAB), Inc., sa pamamagitan ni Dr. Catherine Recto – Banta, na pormal na lumiham sa pamahalaang panlalawigan upang ipaabot ang kalagayan ng mga private school teachers, sa harap ng kasalukuyang pandemya, at makahingi ng ayuda ang mga ito.

Nais ng gobernador, na laging binibigyang-diin ang kanyang pagpapahalaga sa mga guro na katuwang sa paglinang ng mga kabataan, na maibigay ang pondo sa unang linggo ng Hunyo. Kaya binilinan nito ang mga kaukulang tanggapan ng Kapitolyo na agarang aksyunan ang inilapit ng PRISAB.

Inihahanda na rin ng pamahalaang panlalawigan ang pamamahagi ng mga food packs sa mga Batangueño private school teachers.

Batangas Capitol PIO

Like
Like Love Haha Wow Sad Angry
7275

Comments are closed.