December 8, 2024
“Magiting na nagkakaisa, sa pagbangon ay sama-sama.”
Ito ang tema na gumabay sa muling pagkilala at pagtanaw sa mahabang kasaysayan ng Lalawigan ng Batangas kung saan ipinagdiwang ng mga Pilipinong Batangueรฑo ang ika-443 na taong anibersaryo ng pagkakatatag nito noong ika-8 ng Disyembre 2024 sa Regina R. Mandanas Memorial DREAM Zone, Capitol Compound, Batangas City.
Ang sentrong paksa na itinampok ngayong taon ay simbolo ng pagtindig ng mga Batangueรฑo mula sa pagkakadapa, hinagpis na naranasan, bilyong halaga ng pinsala sa iba’t ibang sektor na iniwan, libu-libong nasirang tahanan, at nawalang mga hanapbuhay matapos manalasa ang Bagyong Kristine sa probinsya noong buwan ng Oktubre.
Kaugnay rito, umakma ang payak, maikli, ngunit makabuluhang programa na inihanda ng Pamahalaang Panlalawigan ng Batangas para sa selebrasyon ng founding anniversary ng lalawigan ngayong taon, na pinangunahan nina Governor Hermilando Mandanas at Vice Governor Mark Leviste, kasama ang mga miyembro ng Sangguniang Panlalawigan (SP).
Kagaya ng nakaugalian at bilang paghahandog ng pasasalamat sa Panginoon para sa patuloy na pagbangon ng lalawigan sa mga nagdaang pagsubok, inumpisahan ang pagtitipon sa pamamagitan ng pagdaraos ng banal na misa, na dinaluhan ni Batangas First Lady, Atty. Angelica Chua-Mandanas, sampu ng mga opisyal at kawani ng Kapitolyo, at mga imbitadong kinatawan ng mga lokal na pamahalaan at pambansang ahensya sa probinsya, at mga personalidad sa iba’t ibang larangan.
Ang foundation day celebration proper ay binuksan sa pagbasa ni Vice Gov. Mark Leviste ng SP Ordinance No. 001 ng taong 2008, na nagpapahayag ng opisyal na deklarasyon ng pagkakatatag ng probinsya noong ika-8 ng Disyembre taong 1581.
Kasunod nito, bilang bahagi sa serye ng mga akibidad na inilatag ng Provincial Tourism and Cultural Affairs Office sa pagdiriwang, pormal nang naipresinta sa mga opisyal ng pamahalaang panlalawigan at pinasinayaan sa publiko ang โThe Philippinesโ Best: Batangasโ Coffee Table Book, na naglalaman ng mga pahinang nakatuon sa mayamang kultura, kasaysayan, tradisyon, ipinagmamalaking ganda ng lalawigan, at husay ng mga Batangueรฑo.
Ang naturang libro ay nailimbag sa pamamagitan ng internationally-renowned author and publisher na si Ms. Victoria Mascetta. Siya ay mula sa Sorrell Publishing na isang Filipino-owned publishing company na naka base sa New York sa bansang Amerika.
Kilala si Mascetta sa paglalathala ng mga international books na higit na tumutukoy sa kung ano ang mga “best” na maiihahatid ng isang lugar o bansa sa buong mundo, kagaya na lamang ng mga libro niyang “The Philippines’ Best” at “The Best of New York.”
Matapos ito, isinagawa nang muli ang seremonya ng paggagawad ng rekognisyon para sa Dangal ng Batangan Awardees ngayong taon. Ito ang pagkilala sa mga indibidwal at personalidad na sumasalamin at kumakatawan sa limang Diwang Batangueรฑo, na binubuo ng kagitingan,
kasipagan, katapangan, katalinuhan, at karilagan.
Sa kategorya ng Batangas Artist Awards, kinilala sina Charmaine Mercader Lasar ng Sto. Tomas City para sa Literatura, Robert Marrel Villaluna dela Vega ng Nasugbu sa Midya, Butiong Band 4 ng Lian para sa Musika, at Joseph Lumayno Albao na mula sa Padre Garcia sa Sining Biswal.
Sa hanay ng Heritage Preservation, binigyan ng rekognisyon bilang Advocate nito ang Barako Publishing mula sa Bayan ng San Juan. Tinanggap din ng kapwa San Juaneรฑo na si Cresencia Ilao, ang 94 na taong gulang na magpapalayok, ang Folk Artist Award bilang pagkilala sa natatanging kontribusyon niya at ambag sa industriya ng traditional pottery.
Dalawang magigiting na kababaihan naman ang itinanyag ng lalawigan para sa Dangal ng Batangan sa Larangan ng Palakasan. Una rito si Jamie Christine Berberabe na tubong Lungsod ng Batangas para sa pagiging isang mahusay na pambansang atleta sa mundo ng karateka. Ikalawang pinarangalan ang isa sa pinakakilala at pinakamahusay na manlalaro sa bansa sa larong volleyball at tinaguriang “The Phenom,” na si Alyssa Valdez ng Bayan ng San Juan.
Huli namang iginawad ang pinakamataas na pagkilala o ang Dangal ng Batangan โ Eminent Person, sa pamamagitan ng Posthumous Award, kay Ambassador Rey Carandang ng Tanauan City. Si Carandang ay kilala sa larangan ng pagpapalakas ng ugnayang pandaigdig at pagtataguyod ng interes ng Pilipinas sa ibang bansa, kung saan nagsilbi siya bilang Consul General sa Madrid, Spain at naging Ambassador ng Pilipinas sa Argentina mula 2009-2014 bago siya nagretiro.
Sa naging mensahe ni Governor Mandanas, ipinagmalaki niya na sa kabila ng mga pagsubok na dumaan, nananatili pa ring magiting ang Lalawigan ng Batangas. Ayon sa kaniya, ang isinagawang pagdiriwang ay pagkilala sa mahabang tagumpay ng Batangas bilang isang nagkakaisang lalawigan.
Hindi lamang aniya ito pagpapakita ng pagbangon, kung hindi pati na rin ng pag-unlad. Pinasalamatan din niya ang mga awardees ngayong taon na nagsisilbi aniyang liwanag ng pag-asa at inspirasyon sa kapwa.
Parte rin ng talumpati ni Gov. Mandanas ang patuloy na ginagawang hakbang ng pamahalaang panlalawigan sa pagpapabuti pa ng natatamasang magandang buhay sa probinsya, laloโt higit sa mga sektor ng edukasyon, kalusugan, at turismo. Dito ay kaniyang nabanggit ang pag-aksyon ng lalawigan para tuloy-tuloy na maingatan at mapagyaman pa ang Verde Island Passage na kilala bilang ‘center of the center of marine shore fish biodiversity.’
โKailangang ibahagi natin ang magandang buhay, lalo na ang kaugalian, hindi lamang kasaysayan, pati na rin ang naiibigay nating halimbawa,โ pagmamalaking ipinahayag ni Gov. Mandanas. โโYan ang Batangueรฑoโฆtaas noo, kahit kanino.โ
Naging emosyonal naman ang pagbabahagi ng mensahe ng punong lalawigan dahil, ayon sa kaniya, ito na ang huli niyang pangunguna sa selebrasyon ng pagkakatatag ng lalawigan bilang gobernador at Ama ng Batangas. Muli niyang ipinunto, na sa maayos na pamamalakad at pamamahala, patuloy na mararanasan ang pag-unlad at pagtatanghal sa mga marangal, matatag, at magiting na mga Pilipinong Batangueรฑo sa buong bansa.
Nagtapos naman ang programa sa pagsasama-sama at pagtatampok ng mga past and present Batangas Artist at Dangal ng Batangan Awardees na nagawaran ng pagkilala sa ilalim ng administrasyon ni Governor Mandanas simula taong 2016 hanggang sa kasalukuyang.
๐ ๐ฎ๐ฟ๐ธ ๐๐ผ๐ป๐ฎ๐๐ต๐ฎ๐ป ๐ ๐ฎ๐ฐ๐ฎ๐ฟ๐ฎ๐ถ๐ด / Photos: Karl Ambida, Francis Milla, MacVen Ocampo – ๐๐ฎ๐๐ฎ๐ป๐ด๐ฎ๐ ๐๐ฎ๐ฝ๐ถ๐๐ผ๐น ๐ฃ๐๐ข