World Blood Donor Day Forum, Matagumpay na Idinaos

Ika-119 na Araw ng Kalayaan Ipinagdiwang sa Batangas Capitol
June 13, 2017
Basic Self Defense Training Program Hatid sa mga Kawani ng Kapitolyo
June 16, 2017

June 14, 2017

Bilang tugon sa mga isyu ng boluntaryong pagbibigay ng dugo, isang forum ang isinagawa sa Provincial Auditorium, Capitol Site, Batangas City noong ika-14 ng Hunyo 2017.

Sa pangunguna ng Batangas Blood Council at Provincial Health Office, nagkaroon ng masusing talakayan ng mga prosesong nakapaloob sa voluntary blood services.

Tinalakay naman ni Dr. Rodelio Lim na mula pa sa St. Luke’s Medical Center ang rational blood use kung saan ipinaliwanag niya ang mga hakbang sa tamang storage at transfusion ng dugo.

Binigyang-diin naman ni Dr. Paulo Belen, na isang Laboratory Quality Assurance Officer, ang Concepts in Transfusion Safety, partikular ang pagtalakay tungkol sa hemovigilance o mga gabay para masiguro na ang mga dugong mula sa voluntary blood services ay ligtas at maayos na nakatago sa mga blood facilities.

Naging tampok din sa forum ang rules and regulations in licensing blood na ipinaliwanag ni Dr. Marpe Viray na Medical Officer III mula sa Department of Health (DOH) Regional Health Office IV. Detalyadong iniisa-isa ni Dr. Virray ang salient features ng mga batas na nagtatalaga ng blood facilities bilang gabay sa mga ospital at private institutions.

Nagpasalamat si Governor Hermilando Mandanas sa matagumpay na blood services program sa lalawigan. Binigyang suporta din ni Governor Mandanas ang pagkakaroon ng licensed facilities para masiguro na ligtas na magamit ang mga dugo na dino-donate ng mga Batangueno.

Dinaluhan ang nasabing forum ng mga doctor, nurse at medical technician mula sa iba’t ibang pampubliko at pribadong pagamutan sa lalawigan.

Kristina Marie Joy B. Andal– Batangas PIO Capitol

Like
Like Love Haha Wow Sad Angry

Comments are closed.