Women with Disabilities Day Celebration, ginanap sa Batangas Capitol

Notice of Vacant Position
April 16, 2019
2nd Batch ng mga Kabataang Batangueño academic awardees, binigyang parangal sa Kapitolyo
April 22, 2019

Lakas ng Kababaihang May Kapansanan. Masayang nakiisa si Gov. DoDo Mandanas sa 15th Women with Disabilities Day, sa pangunguna ng Provincial Social Welfare and Development Office (PSWDO) at Persons with Disabilities Affairs Office (PDAO), noong ika-22 ng Abril 2019 sa Provincial Auditorium, Capitol Compound, Batangas City. Photo: Macc Ocampo – Batangas Capitol PIO

April 22 2019

Lakas ng Kababaihang May Kapansanan. Masayang nakiisa si Gov. DoDo Mandanas sa 15th Women with Disabilities Day, sa pangunguna ng Provincial Social Welfare and Development Office (PSWDO) at Persons with Disabilities Affairs Office (PDAO), noong ika-22 ng Abril 2019 sa Provincial Auditorium, Capitol Compound, Batangas City. Photo: Macc Ocampo – Batangas Capitol PIO

Ipinagdiwang ng Pamahalaang Panlalawigan ng Batangas ang 15th Women with Disabilities Day, na may temang “Sabay-Sabay, Pantay-Pantay sa Pag-unlad ng mga Kababaihang may Kapansanan”, sa pangunguna ng Provincial Social Welfare and Development Office (PSWDO) at Persons with Disabilities Affairs Office (PDAO) noong ika-22 ng Abril 2019 sa Provincial Auditorium, Capitol Compound, Batangas City.

Ito ay dinaluhan ng 340 na kababaihang may kapansanan mula sa iba’t-ibang lungsod at munisipalidad ng Lalawigan ng Batangas. Naging panauhing pandangal sa programa sina Governor DoDo Mandanas; Batangas Provincial Federation of Women with Disabilities President, Ms. Hildegonda Del Mundo; PDAO Head, Mr. Edwin Abelardo N. De Villa; at, mga estudyante mula sa Workability Skills Training Center Foundation, Inc.

Aktibong kalahok din sa pagtitipon sina Provincial Cooperative Livelihood, Enterprise Development Office Department Head Celia Atienza at PSWDO Chief Joy Montalbo.

Nagbigay naman ng ilang tips o tamang pamamaraan sa paghahawak ng salapi si Ms. Aileen Constantino-Peñas , ang Deputy Executive Director ng Atikha Inc. Binigyang-diin din niya sa mga Batangueña PWDs na dapat ay matutong unahin ang pag-iipon kaysa sa pagbili ng mga luho at dapat alamin at pag-isipan ng mabuti kung kinakailangan talaga ang isang bagay bago bilihin.

Samantala, binigyan rin ang mga participants ng mga payo ukol sa kalusugan, sa pamamagitan ng Provincial Health Office, at mga turong pangkabuhayan mula sa PCLEO at Technical Education and Skills Development Authority para sa maaaring pagkakitaan ng mga kababaihang may kapansanan.

Mayroon ding libreng manicure, pedicure, haircut at massage para sa mga nasabing kababaihan. Avelene P. Lopez- Batangas Capitol PIO

Like
Like Love Haha Wow Sad Angry

Comments are closed.