Women On Wheels para sa mga Batangueña, Umarangkada na

Batangas Province at Madang, Papua New Guinea lumagda sa kasunduan ng pagkakaibigan
August 7, 2019
3rd Simultaneous Earthquake drill sa Batangas, Nilahukan ng mga LGUs at Pribadong Sektor
August 13, 2019

August 9, 2019

Pinangunahan nina Vice Governor Mark Leviste at 5th District Senior Board Member Claudette Ambida-Alday ang pag-arangkada ng Women On Wheels (WOW) para sa mga Batangueña.

Katuwang ang Honda Philippines, ang WOW program ay naglalayong makahikayat ng mas maraming Batangueña na gumamit ng motorsiklo sa Lalawigan ng Batangas.

Ang pagsasanay ay ginanap noong ika- 6 hanggang ika-8 ng Agosto 2019 sa Honda Safety Driving Center sa Bicutan, Lungsod ng Paranaque, at dinaluhan ng mga kababaihan mula sa Batangas at Metro Manila.

Binigyang-diin ni Vice Gov. Leviste na, “If automobile can be driven by both men and women, there’s no reason why motorcycle riding should not applicable for women.” Dagdag pa nito, bilang Chairperson ng Committee on Tourism, History, Culture and Arts ng Sangguniang Panlalawigan, nais niyang maitaguyod ang Women On Wheels sa buong probinsya ng Batangas, upang makilala itong bilang isang Motorcycle-Friendly Tourist Destination.

Sa tatlong araw na programa, nagbigay ang Honda Philippines ng lectures tungkol sa basic motorcycle riding. Kabilang sa mga naging paksa ay ang pagsunod sa mga batas trapiko, wastong paggamit ng riding gears, pre-ride inspection, motorcyle handling and controls, road users characteristics, at ang mga kailangang gawin sa lansangan upang maiwasan ang aksidente.

Nagkaroon din ng praktikal na ensayo o ang pagsakay sa motorsiklo, kung saan umikot ang mga trainees sa iba’t-ibang klaseng tracks o courses sa nabanggit na driving center.

Ayon kay Bokal Ambida-Alday, na baguhan sa paggamit ng motorsiklo, hindi naging madali para sa kanya ang pagsasanay at winika na ”Don’t stop when it hurt,” “Stop when you’re done.” Matapos maipasa at matagumpay na makapag motorsiklo sa tulong ng mga propesyunal na riding instructors.

Nakipagpulong din ang dalawang Batangas officials kay Assistant Secretary Celine Pialago, ang spokesperson ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA), tungkol sa pagpapalakas ng WOW program sa Batangas.

Jun–Jun De Chavez – Batangas Capitol PIO

Like
Like Love Haha Wow Sad Angry

Comments are closed.