Water Tank sa Calaca Pinasinayaan

Gov. Dodo Naghain na ng CoC Para Gobernador; Pinabulaanan ang Pag-urong ng Kandidatura
October 18, 2018
Provincial Avian Influenza Simulation Training Nakatakda sa ika-30 ng Oktubre
October 23, 2018

October 22, 2018

Dinaluhan nina Governor Dodo Mandanas, kasama sina 1st District Board Member Junjun Rosales at Provincial Engineer Gilbert Gatdula, ang blessing at seremonyal na pagbubukas ng bagong gawang Water Tank sa Poblacion 1, Calaca, Batangas noong ika-21 Oktubre 2018.

Ito ay isa sa mga proyekto ng Pamahalaang Panlalawigan ng Batangas, sa pamamagitan ng Provincial Engineering Office, na naglalayong makapagbigay ng maayos at malinis na supply ng tubig sa mga lugar sa lalawigan kung saan may kakulangan pa upang makatulong sa mga naninirahan dito.

Ang nasabing proyekto ay unang inihain ni Ex-Barangay Captain Gloria Malabanan sa pamahalaang panlalawigan at malugod namang tinanggap ni current Barangay Captain Ronald Salvacion. Nakumpleto ang pagtatayo at paglalagay ng tanke ng tubig sa pakikipagtulungan ng pamahalaang panlalawigan kasama ang Buklod Bantayan Water Services at mga mamamayan ng nasabing lugar. ✎ Louise Mangilin, Batangas Capitol PIO

Like
Like Love Haha Wow Sad Angry

Comments are closed.