Walang Holiday ang Paglilingkod: Tulong sa Apektado ng Lindol at mga Simbahang Nasira, Ipinamahagi

Gov. Dodo asks ERC, DTI to Investigate “Batangas Earthquake-Related” Price Hike in Electricity, Petroleum Products
April 12, 2017
Batangas Tourist Spots na Sinaraduhan Dahil sa Lindol, Bukas na Muli sa Publiko
April 17, 2017

Para sa Batangueño, tuloy-tuloy at agarang serbisyo. Matapos personal na pangunahan ang mga assessments at inspections sa ilang bayan sa Batangas Province na pinaka-apektado ng lindol noong Abril 4 at 8, 2017, agaran ang go-signal ni Batangas Governor Dodo Mandanas sa pagpapadala ng relief goods sa mga kababayang nagtamo ng pinsala ng lindol sa Mabini, Taal, Bauan, San Luis at Lemerynoong Abril 13, Huwebes Santos. Kasamang naghatid ng tulong ni Gov. Mandanas sina Atty. Gina Reyes – Mandanas, DSWD Asst. Sec. Anton Hernandez, PDRRMO head Lito Castro at PSWDO chief Joy Montalbo. Jenny Asilo Aguilera / Photo: Eric Arellano – Batangas Capitol PIO

April 14, 2017
Sabi nga, ang Semana Santa ay panahon ng pag-alala sa mga kabutihan at sakripisyong ginawa ni Hesus, partikular ang mabawasan ang paghihirap ng mga tao.

Bunsod ng mga paglindol na naramdaman sa Lalawigan ng Batangas nitong Abril 4 at 8, 2017, ang banal na linggong ito ay naging paraan pa lalo upang maipamalas ang paglilingkod at pagiging bukas palad sa mga kababayang naapektuhan ng pangyayaring ito.

Noong ika-12 ng Abril 2017, pinuntahan ng mga kinatawan ng Pamahalaang Panlalawigan ng Batangas, sa pangunguna ni Chief of Staff Abel Bejasa, ang mga bayan ng Taal at Bauan at Lungsod ng Batangas upang magbigay ng tulong pinansiyal at construction materials para sa dagliang pagsasaayos ng Basilica San Martin de Tours (Taal), Minor Basilica ng Immaculate Conception (Batangas City) at Immaculate Conception Parish Church (Bauan), mga simbahang higit isang daang taon nang nakatayo at mga National Historical Landmarks.

Para sa Batangueño, tuloy-tuloy at agarang serbisyo. Matapos personal na pangunahan ang mga assessments at inspections sa ilang bayan sa Batangas Province na pinaka-apektado ng lindol noong Abril 4 at 8, 2017, agaran ang go-signal ni Batangas Governor Dodo Mandanas sa pagpapadala ng relief goods sa mga kababayang nagtamo ng pinsala ng lindol sa Mabini, Taal, Bauan, San Luis at Lemerynoong Abril 13, Huwebes Santos. Kasamang naghatid ng tulong ni Gov. Mandanas sina Atty. Gina Reyes – Mandanas, DSWD Asst. Sec. Anton Hernandez, PDRRMO head Lito Castro at PSWDO chief Joy Montalbo. Jenny Asilo Aguilera / Photo: Eric Arellano – Batangas Capitol PIO

Naglaan ang Kapitolyo ng Batangas ng PhP 1 milyon bawat isa para sa mga basilica ng Taal at Batangas City, PhP 200,000 para sa Bauan church, at tag-500 na sako ng semento sa tatlong simbahan. Nakasama sa pag-aabot ng mga nasabing ayuda sina Batangas City Board Member Bart Blanco, 1st District Board Member Ramon Bausas at Provincial Engineer Gilbert Gatdula.

Para sa pagpapaayos ng Batangas centuries-old churches. Nasa frontline ng post-earthquake assessments at inspections sa ilang bayan sa Batangas Province (taas, kaliwa) si Batangas Governor Dodo Mandanas. Batid ang halaga ng mabilis na aksyon para mapangalagaan ang mga centuries-old National Heritage Churches na nagtamo ng pinsala, nagpaabot ng tulong pinansiyal at semento para sa pagpapagawa ang Pamahalaang Panlalawigan ng Batangas sa mga simbahan sa Batangas City (itaas, kanan), Taal (ibaba, kaliwa) at Bauan (ibaba, kanan) noong Abril 12, 2017. Kasamang naghatid ng tulong sina Chief of Staff Abel Bejasa, Board Member Bart Blanco, Board Member Ramon Bausas, Provincial Engineer Gilbert Gatdula at Executive Assistant Katrin Buted. Jenny Asilo Aguilera / Photo: Eric Arellano – Batangas Capitol PIO

Noong ika-13 ng Abril 2017, Huwebes Santo, dumalaw naman ang mga taga-Kapitolyo, sa pangunguna nina Gov. Dodo Mandanas at Atty. Gina Reyes – Mandanas, sa mga bayan ng Mabini, Bauan, San Luis, Taal at Lemery upang mamahagi ng relief goods. Kasama nilang nag-ikot sa mga nasabing bayan sina Dept. of Social Welfare and Development Asst. Secretary Anton Hernandez, PSWDO Chief Joy Montalbo at Provincial Disaster Risk Reduction and Management Officer Lito Castro. Jenny Asilo Aguilera – Batangas Capitol PIO

Like
Like Love Haha Wow Sad Angry

Comments are closed.