Verde Island Passage Monitoring & Evaluation workshop, isinagawa sa Kapitolyo

Notice of Vacant Position
June 18, 2019
Sangguniang Panlungsod ng Batangas, National Winner sa 2018 Local Legislative Awards
June 20, 2019

June 18, 2019

18

Pinangunahan ng Batangas Provincial Government – Environment and Natural Resources Office (PG-ENRO), katuwang ang Marine Science Institute ng Unibersidad ng Pilipinas – Diliman, ang Monitoring & Evaluation (M&E) Workshop and Network Evaluation ng Verde Island Passage Marine Corridor noong ika-18 ng Hunyo 2019 sa PG-ENRO Conference Hall, Capitol Compound, Batangas City.

Ang aktibidad ay bahagi ng SMARTSeas PH o Strengthening Marine Protected Areas to Conserve Marine Key Biodiversity Areas in the Philippines Project, kung saan tinalakay ang iba’t-ibang isyu sa pangangalaga at proteksyon ng environmental resources ng Verde Island Passage, ang sentro ng marine shorefish biodiversity sa buong mundo.

Ayon kay Ms. Czarmayne Escoro, ang resource speaker mula sa UP-Diliman, ang nasabing workshop ay mahalaga upang maituro at matutunan ng mga ENRO sa bawat pamahalaang lokal kung paano gumawa ng wastong M&E plan, masuri kung ang pamamahala ay epektibo, at magkaroon ng karagdagang mga istratehiya upang maisakatuparan ang mga layunin sa pangangalaga ng naturang likas yaman.

Kabilang sa dumalo sa pagpupulong ang mga kinatawan ng Batangas Marine Protected Area Network, Bantay Dagat Network, at ENRO ng mga Lalawigan ng Marinduque, Occidental Mindoro, Romblon at Batangas. Jun –Jun De Chavez – Batangas Capitol PIO

Like
Like Love Haha Wow Sad Angry

Comments are closed.