Validation para sa Mabini Batangan Awards 2018, Isinagawa

Hanapbuhay, Handog sa mga Batangueña
July 5, 2018
Mandanas IRA Petition, Kinatigan ng Korte Suprema IRA Shares ng LGUs Madadagdagan
July 5, 2018

July 5, 2018

Nagsagawa ng validation para sa mga nominado sa nalalapit na 2018 Mabini Batangan Awards ang Batangas Province Persons with Disabilities Affairs Office (PDAO), sa pangunguna ni Mr. Edwin N. Abellardo; Persons with Disabilities Batangas Province Federation President, Nelson Adante; AKAPIN Batangas Inc. President Romeo Hernandez; at Department of the Interior and Local Government (DILG) mula July 3-5, 2018 sa Lalawigan ng Batangas.

Ang Mabini Batangan Awards 2018, na proyekto ng Provincial Social Welfare and Development Office (PSWDO) at PDAO, ay isang parangal para sa mga Batangueñong may kapansanan, at mga organisasyon at samahan na nangangalaga sa kapakanan ng mga PWDs. Isa itong pagkilala sa mga natatanging may kapansanan ganun din sa mga personalidad na nagsusulong ng adbokasiya ni Gat. Apolinario Mabini, ang bayani mula sa Batangas na kilala bilang the sublime paralytic. Sumisimbolo ito sa tibay ng loob, pagkatao at pagsisikap ng mga PWDs na makamit ang mga pangarap at magtagumpay sa iba’t ibang larangan.

Nominado sa kategorya ng natatanging PWDs sina Dharwin Dimapasoc ng San Pascual, Paul John Redondo ng Padre Garcia at Maritess Velencia Odarbe ng San Juan; Parent of the Year ng mga PWDs sina Marites Redondo ng Padre Garcia, Marjorie Tanyag ng San Juan at Victoria Adelantar ng Alitagtag; Best Special Education (SpEd) Teachers sina Blessie Falurin ng San Juan, Edna Marasigan ng Lipa City at Eden Magpantay ng Cuenca; at, Municipality of the Year ang mga bayan ng Sto. Tomas at Cuenca.- JHAY ¬JHAY B. PASCUA – PIO CAPITOL

 

Like
Like Love Haha Wow Sad Angry

Comments are closed.