Unang regular session ng 10th Sangguniang Panlalawigan ng Batangas, idinaos

Region IV-A International Cooperative Day, ipinagdiwang sa Kapitolyo
July 10, 2019
Batangueño Summa Cum Laude graduates sa UP Diliman, binigyang pagkilala ng Pamahalaang Panlalawigan
July 15, 2019

July 10, 2019

Pinangunahan ni Vice Governor Jose Antonio “Mark” Leviste II, bilang presiding officer, ang kauna-unahang regular session ng 10th Sangguniang Panlalawigan ng Batangas noong ika-8 ng Hulyo 2019 sa Salvador H. Laurel Session Hall, Apolinario M. Mabini Legislative Building, Capitol Site, Batangas City.

Binuksan ang session sa pormal na pagpapakilala sa mga bagong miyembro ng Provincial Board, na sina Board Member (BM), Atty. Jhoanna Corona Villamor at BM Rodolfo “Rudy” Balba, na kapwa kinatawan ng ikatlong distrito; BM Aries Emmanuel “Bibong” Mendoza ng 6th District o Lone District of Lipa City; at, newly-appointed ex-officio SK Provincial Federation President BM Maria Louise Vale, na nagpahayang ng kanilang inaugural speeches.

Binigyang-diin ni BM Corona-Villamor sa kanyang mensahe ang kahalagahan ng pagkakaroon ng magandang samahan ng Sangguniang Panlalawigan at ehekutibo. Dagdag pa nito, maaasahan umano ng mga mamamayan ang kanyang isang daang porsyentong pagsuporta sa mga programa ni Gov. DoDo Mandanas.

Nagpahayag naman ng pasasalamat si BM Rudy Balba, na nagpahayag din ng buong pagsuporta sa liderato ni Gov. Dodo Mandanas.

Bisyon naman ni newly-elected BM Mendoza ang kanyang ibinahagi, kabilang ang pagkakaroon ng isang “doable platform of government” na nakatutok sa pagkakaroon ng job for the jobless, home for the homeless, food security, access to quality education, affordable healthcare, environmental protection, at enhancement and development of infrastructure and utilities sa Lalawigan ng Batangas.

Mga panukalang ordinansa naman para pagtibayin ang mga karapatan at kakayanan ng mga kabataang Batangueño ang tututukan umano ni BM Vale, pati na rin ang mga programa hinggil sa pangangalaga sa kalikasan.

Kaugnay nito, inaasahan ni Vice Gov. Leviste ang pagkakaisa ng mga miyembro ng Sanggunian, na bagaman at hindi nagmula sa iisang partido, ay mayroon namang nagkakaisang adhikaing makapaglingkod, at may hangaring maitaas ang antas ng serbisyo publiko patungo.

Pinagtibay din sa nasabing sesyon ang Internal Rules of Procedure ng ika-10 Sangguniang Panlalawigan ng Batangas, at pinagbotohan ng mga bokal ang mga magsisilbing chairperson sa iba’t ibang komitiba. – Marinela Jade Maneja, Batangas PIO Capitol

Like
Like Love Haha Wow Sad Angry

Comments are closed.