Tuloy-tuloy na Serbisyo, Hatid ng Batangas ProVet Office

Kakayahan sa Pagtugon sa National Medical Emergencies, Ikinakasa sa Batangas
May 19, 2020
COVID-19 Facilities ng Lalawigan, Pormal nang Binuksan
May 21, 2020

May 20, 2020

Batay sa inilibas na ulat ng Office of the Provincial Veterinarian (OPV) noong ika-18 ng Mayo 2020, tuloy-tuloy ang kanilang pagpapatupad ng biosecurity and control measures upang maiwasan ang pagpasok ng anumang uri ng sakit o virus ng mga alagang hayop sa Lalawigan ng Batangas.

noong ika-18 ng Mayo 2020, tuloy-tuloy ang kanilang pagpapatupad ng biosecurity and control measures upang maiwasan ang pagpasok ng anumang uri ng sakit o virus ng mga alagang hayop sa Lalawigan ng Batangas.

Sa mga entry at exit points ng lalawigan, nasa 395 Livestock and Poultry Transport Carriers na papasok ng Batangas ang na-disinfect ng tanggapan.

Hindi naman naging hadlang sa OPV ang kasalukuyang banta ng COVID-19 upang makapagbigay ng mga sertipikasyon o permiso sa mga biyahero na patungo ng National Capital Region at mga lalawigan sa Region IV-A o CALABARZON. Dito, ay minarapat ng tanggapan na gumawa ng isang website kung saan maaaring isagawa ang online application pati na rin ang issuances.

Sa katunayan, nakapagbigay ang OPV ng 142 Local Shipping Permits sa mga itinalagang Provincial Animal Checkpoints, 15 na Online Veterinary Health Certificates, at 5 Handler’s License and Temporary Carrier Accreditation.

Dahil ang mga beterinaryo ay kabilang sa hanay ng mga frontliners, ipinatutupad din ng tanggapan, sa gitna ng kasalukuyang pandemya, ang pagpapahintulot sa mga licensed veterinarians na makapasok sa mga quarantine checkpoints sa probinsya upang hindi maantala ang kanilang pagbibigay ng serbisyo sa mga farms at veterinary establishments na titiyak sa food security and safety sa probinsya at mga karatig lalawigan. Ito ay maaaring isagawa sa pagkuha ng isang Conduct Pass sa pamamagitan ng online application system, na sang-ayon sa mga panuntunan ng Department of Agriculture (DA) noong ika-20 ng Marso 2020.

Samantala, tuloy-tuloy rin ang Office of the Provincial Veterinarian sa kanilang information dissemination patungkol sa mga inilalabas na tagubilin o paalala ng iba’t-ibang tanggapan ng gobyerno kabilang ang Bureau of Animal Industry at National Meat Inspection Service, na kapwa nasa ilalim ng DA, na makikita naman sa kanilang official Facebook page na OPV Batangas.

Batangas Capitol PIO

Like
Like Love Haha Wow Sad Angry

Comments are closed.