Tulong Pinansiyal para sa Community Development Projects Ipinamahagi ng PACD

MINUTES OF THE PRE-BID CONFERENCE OF THE BIDS AND AWARDS COMMITTEE FOR THE SUPPLY AND DELIVERY OF GOODS TO BE USED BY VARIOUS OFFICES OF THE PROVINCIAL GOVERNMENT OF BATANGAS HELD ON MAY 28, 2021
June 2, 2021
Virtual Oath-taking ng Batangas Provincial Youth Development Council, Isinagawa
June 5, 2021

June 5, 2021

Ilang grupo ng mga barangay officials mula sa Bayan ng Mataas na Kahoy at Lungsod ng Tanauan ang tumanggap ng tulong pinansiyal mula sa Pamahalaang Panlalawigan ng Batanagas, sa pamamagaitan ng Tanggapan ng Provincial Assistance for Community Development (PACD) para sa kanilang mga proyekto noong ika- 24 at ika- 25 ng Mayo 2021.

Isinagawa ang pamamahagi ng tulong pinansiyal sa PACD Office sa Kapitolyo, Lungsod ng Batangas, katuwang ang tanggapan ni 3rd District Board Member Jhoanna Corona, para sa iba’t ibang Community Development Projects ng mga barangay.

Mula sa Lungsod ng Tanauan, nakatanggap ng halagang ₱30,000.00 ang Brgy. Mabini, Maugat at Ambulong para pambili ng tig-iisandaang sako ng semento; ₱20,000.00 bawat isa ang Brgy. Boot, Altura South at Poblacion 4 para naman sa Computer sets at Printers; at ₱30,000.00 ang Brgy. Pantay Matanda para sa construction materials.

Ang Brgy. Lumang Lipa naman sa Bayan ng Mataas na Kahoy ay nakatanggap ng ₱ 15,000.00 para pambili ng grasscutter.

Jayne Elarmo – Batangas Capitol PIO

Like
Like Love Haha Wow Sad Angry

Comments are closed.