Tulong pinansiyal, ipinamahagi noong People’s Day

Sa harap ng ASF scare, haulers’ forum, boodle fight, isinagawa sa Batangas Capitol
September 20, 2019
Gandang Batangueña
September 23, 2019

September 20, 2019

Kasabay ng People’s Day, muling nagsagawa ang Pamahalaang Panlalawigan ng Batangas, sa pangunguna ni Gov. DoDo Mandanas, ng pamamahagi ng tulong pinansyal, kabilang ang medical, burial, at individual livelihood assistance, noong ika-20 ng Setyember 2019 sa Bulwagang Batangan, Capitol Compound, Batangas City.

Sa pamamagitan ng Provincial Social Welfare and Development Office, pitumpu’t siyam na indibidwal mula sa iba’t ibang bayan ng Batangas Province ang nakatanggap ng medical assistance na may kabuuang halaga na mahigit P400,000, at burial assistance na may halagang P85,000.

Samantala, ipinamahagi naman ng Provincial Cooperative Livelihood and Enterprise Development Office ang Individual Livelihood Assistance sa labindalawang beneficiaries mula sa mga Bayan ng Bauan, Lemery, Mabini, at Batangas City.

Kabilang ang mga nasabing serbisyo publiko sa patuloy at agarang tulong na regular na inihahatid ng pamahalaang panlalawigan.

Grace Briones, Photo: Karl Ambida-Batangas – Batangas PIO

Like
Like Love Haha Wow Sad Angry

Comments are closed.