Tulong Pangkabuhayan sa mga Batangueño, Ipinamahagi ng PCLEDO

Forest and Fruit Bearing Trees, Muling Ipinamahagi
August 27, 2020
Batangas Capitol Rolls Out “HELP in Motion” thru Mobile Markets
August 27, 2020

August 27, 2020

Ang panahon ng pandemya dulot ng COVID-19 ay hindi naging hadlang upang ipagpatuloy ang pagpapatupad ng mga proyektong pangkabuhayan, lalo pa’t marami ang nawalan ng pagkakakitaan.

Patuloy ang tulong na ipinagkakaloob ng Pamahalaang Panlalawigan ng Batangas, sa pamamagitan ng Provincial Cooperative Livelihood and Enterprise Development Office (PCLEDO) para sa mga indibidwal na nangangailangan ng tulong-puhunan o soft loan para sa mga livelihood o pangkabuhayang gawain.

Ang bawat indibidwal ay maaaring mapagkalooban ng hanggang tig-limang libong pisong paunang puhunan sa mga mungkahing proyekto na pumasa sa pamantayan ng tanggapan.

Sa 25 na kataong bagong benepisyaryo sa tulong na umabot sa kabuuang halagang ₱134,000, kabilang sa natatangi si Johnny Medrano, isang Person with Disability (PWD) mula sa Bayan ng Cuenca, na may proyektong pananahi ng mga face masks.

Gagamitin niya ang tulong puhunan sa pagbili ng “high-powered sewing machine” para sa mabilis at maramihang produksyon na madadala sa pamilihan, lalo pa at meron na rin siyang “network” sa ibang lugar sa labas ng lalawigan. Ang iba naman ay para sa isang sari-sari store, at “buy and sell.”

Bukod dito, 20 indibidwal na nakapag-“renew” ng pandagdag kapital sa mga maliliit na negosyo, tulad ng sari-sari store, food vending, at soap making. Sila ang mga ginagabayan ng tanggapan sa kanilang pagiging “entrepreneurs,” at nagpahayag ng pasasalamat sa tulong na dala ng mga natutunang livelihood projects.

Kabilang sa mga nabigyan ng ayuda ng proyekto ng PCLEDO ang mga benepisyaryo mula sa mga Bayan ng Tuy, San Nicolas, Cuenca, Sta. Teresita, San Juan at Lungsod ng Batangas.

Mula sa ulat ng PCLEDO

Like
Like Love Haha Wow Sad Angry
3

Comments are closed.