Tulong ng Batangas Province sa Marawi at mga Sundalo, Naihatid na

Notice of Vacant Positions
July 18, 2017
Ibaan Blood Olympics, Tagumpay
July 20, 2017

Batangas Karamay ng Marawi at ng Tropa. Nagbigay ang Pamahalaang Panlalawigan ng Batangas, sa pangunguna ni Gov. Dodo Mandanas, ng PhP 2 Milyong tulong pinansiyal sa City Government of Marawi. Kinatawan ng lalawigan sina Provincial Disaster Risk Reduction and Management Officer Lito Castro; Provincial Assistance for Community Development Department Head Dr. Boy Moog; at Provincial Public Order and Safety Department Chief Col. Chito Malapitan noong ika-14 ng Hulyo 2017 upang maiabot ang nasabing ayuda kay Marawi City Mayor Majul Usman Gandamra. (itaas na larawan) Dinala naman noong July 18, 2017 ang halagang PhP 1 Milyong financial assistance na “Suporta sa Tropa” sa Camp Aguinaldo, Quezon City upang makadagdag sa tulong para sa mga naulila ng mga sundalong namatay sa pakikipaglaban sa Marawi. Vince Altar / Photos: Lito Castro - Batangas Capitol PIO

July 20, 2017

Batangas Karamay ng Marawi at ng Tropa. Nagbigay ang Pamahalaang Panlalawigan ng Batangas, sa pangunguna ni Gov. Dodo Mandanas, ng PhP 2 Milyong tulong pinansiyal sa City Government of Marawi. Kinatawan ng lalawigan sina Provincial Disaster Risk Reduction and Management Officer Lito Castro; Provincial Assistance for Community Development Department Head Dr. Boy Moog; at Provincial Public Order and Safety Department Chief Col. Chito Malapitan noong ika-14 ng Hulyo 2017 upang maiabot ang nasabing ayuda kay Marawi City Mayor Majul Usman Gandamra. (itaas na larawan) Dinala naman noong July 18, 2017 ang halagang PhP 1 Milyong financial assistance na “Suporta sa Tropa” sa Camp Aguinaldo, Quezon City upang makadagdag sa tulong para sa mga naulila ng mga sundalong namatay sa pakikipaglaban sa Marawi. Vince Altar / Photos: Lito Castro – Batangas Capitol PIO

“Batangas Karamay ng Marawi.”

Ito ang hangad na maiparamdam ng Pamahalaang Panlalawigan ng Batangas, sa pangunguna ni Gov. Dodo Mandanas, sa pagpapaabot ng PhP 2 Milyong tulong pinansiyal sa City Government of Marawi.

Tumulak papuntang Cagayan de Oro City ang mga kinatawan ng Batangas, na sina Mr. Lito Castro, Provincial Disaster Risk Reduction and Management Officer; Dr. Boy Moog, Provincial Assistance for Community Development Department Head; at Col. Chito Malapitan, Provincial Public Order and Safety Department Chief, noong ika-14 ng Hulyo 2017 upang personal na maiabot ang nasabing ayuda kay Marawi City Mayor Majul Usman Gandamra.

Sa kanyang mensahe para sa mga Batangueño, ipinaabot ni Mayor Gandamra na ang Lalawigan ng Batangas ang kauna-unahang local government unit sa buong bansa na nagpadala ng tulong pinansiyal para sa mga kababayang nahaharap sa mas mahaba pang mga pagsubok dulot ng kasalukuyang giyera kontra sa mga terorista sa kanilang bayan at ang kakailanganing malawakang pagsasaayos ng capital city ng Lanao del Sur, na halos nadurog na ng labanan.

Samantala, dinala naman noong July 18, 2017 ng mga opisyal ng lalawigan ang ang halagang PhP 1 Milyong financial assistance na “Suporta sa Tropa” sa Public Affairs Office ng Camp Aguinaldo, ang headquarters ng Armed Forces of the Philippines, sa Quezon City upang makadagdag sa tulong para sa mga naulila ng mga sundalong namatay sa pakikipaglaban sa Marawi.

Kasabay nito, iaabot na rin nila sa mga kinatawan ng AFP ang nakalap na cash na PhP 50,000 mula sa Rotary Club of Downtown Batangas at PhP 6,740 mula sa mga empleyado ng Munisipalidad ng Lemery.

Ang assistance ay mula sa 30% 2017 Quick Response Fund (QRF) na bahagi ng 5% Disaster Risk Reduction and Management Fund ng Batangas Province. Mabilis itong naiproseso sa pakikipagtulungan ng Sangguniang Panlalawigan ng Batangas. Vince Altar – Batangas Capitol PIO

Like
Like Love Haha Wow Sad Angry

Comments are closed.