Tourism Projects ng Batangas Province, Iniulat

Special Network Meeting ng Batangas Marine Protected Area at Bantay Dagat, Ginanap
April 30, 2018
Pamamahagi ng Tulong Pinansyal sa mga Iskolar ng Mandanas Administration, Isinagawa
May 2, 2018

April 30, 2018

Inilahad ni Atty. Sylvia Marasigan, Department Head ng Provincial Tourism and Cultural Affairs Office (PTCAO), ang mga aktibidad at accomplishments na isinagawa ng kanilang tanggapan noong ika- 30 ng Abril 2018 sa lingguhang Flag Ceremony sa Provincial Auditorium, Capitol Compound, Batangas City.

Ilan sa mga nabanggit ay ang Department of Tourism Branding Workshop for Calabarzon sa Iloilo City; ang showcase ng Batangas products, destinations and Batangueño talents sa 85th PVMA Scientific Conference and Annual Convention sa Pasay City; Underwater Photo Exhibit with Batangas Scuba Academy; Media Famtour (Lakbay Lawa); Ating Likha Alay sa Bauan (ALAB) Art Exhibit; El Pasubat Festival Float Parade at iba pa. Iniulat din niya na umakyat ng 21% ang tourist arrivals ngayong 1st quarter ng 2018 sa buong probinsya kumpara noong 2017.

Kaugnay pa nito, ibinahagi rin ni Atty. Marasigan ang planong pagkakaroon ng tinatawag na Barako Hour kung saan may libreng unlimited refill ng kape simula 1 hanggang 3 ng hapon na uumpisahan sa Lipa City. Target ng proyekto ang mga millennial, kaugnay ng planong pagsasagawa ng forum upang maipaliwanag ang importansiya ng Barako coffee katuwang ang University of Batangas. Nakahanay din sa kanilang mga proyekto ang para sa selebrasyon ng Araw ng Kalayaan kung saan ilulunsad ang Ala Eh!, ang Tourism Travel Guide Book ng Batangas Province at Official Music Video ng Lalawigan ng Batangas.

Samantala, nagpakitang gilas naman at nagbigay ng pampasiglang bilang ang mga batang nagsipagtapos mula sa OB Montessori Pagsasarili Pre-School na karamihan ay mga anak ng mga kawani ng Kapitolyo.

Sa mensahe naman ni Provincial Administrator Levi Dimaunahan, ipinabatid niya na isang magandang paraan ang turismo upang mas lalong umangat ang ekonomiya ng isang lugar at ng mga taong naninirahan dito. Lalo na ngayon na karamihan sa mga tao ay gumagastos sa magagandang tourist spots. Dagdag pa nito, ang Batangas ay mas nakikilala na bilang isa sa magagandang tourist destinations kung kaya’t napakasuwerte ng mga Batangueño dahil nabiyayaan ng napakaraming likas na yaman ang lalawigan. – Cecilei De Castro and Almira Eje / Photo: Eric Arellano – Batangas Capitol PIO

Like
Like Love Haha Wow Sad Angry

Comments are closed.